General Information and other helpful jobs

Taiwan Ministry of Labor urged the employers to have a larger sleeping quarters for Migrant Workers


Miaoli County ( Hulyo 3, 2020)- Simula sa Enero sa susunod na taon ay susundin na ng bansang Taiwan ang regulasyon hinggil sa tamang espasyo na tutulugan ng mga Migrant Workers, ito'y hango sa regulasyon mula sa International Labor Organization(ILO) Standard. Ayon sa Ministry of Labor (MOL).

Sa nakasaad sa regulasyon dapat ang isang migrant worker ay merong 3.6 square meters na espasyong tulugan. Layong bigyan ng palugit ang mga employer hanggang sa susunod na taon, Enero 1, 2021. Sa kasalukuyan ay karamihan ng mga Dormitories o sleeping quarter ay nasa 3.2 square meters lamang ang sukat.

Ayon rin sa ILO, ang kwartong para sa dalawahan ay hindi dapat baba sa 7.5 square meters ang sukat. At kapag lagpas apat naman ang titira sa isang kwarto, dapat nasusunod pa rin ang 3.6 square meters espasyo ng bawat isa.

Kasama sa bagong regulasyon ay ang mga Caregivers, Caretakers, at Industrial Workers ( Factory Workers). 

Ang mga employer na binigyan na mabibigyan ng Warning at hindi susunod sa regulasyon ay papatawan ng multa mula NT$60,000 hanggang NT$300,000.

Magiging epektibo ang regulasyon simula Enero 1, 2020.

Share:

Taiwan marks its 80th day without local case of COVID-19 with 2 patients left


Taipei (Hulyo 1, 2020)- Sa unang araw ng buwan ng Hulyo ay may magandang balita hatid ang CECC Taiwan, dahil dalawa nalang na mga pasyente ang nasa ospital.

Base sa datos na inilabas ng CECC ngayong hapon ng Miyerkules. Nasa 438 na ang nakalabas na mga pasyente. Matatandaang  huling kabuuang bilang ng COVID-19 sa bansa ay 447, kung 356 dito ay bumiyahe sa labas ng bansa at 55 naman ay hindi umalis ng bansa, at 36 naman ay mula sa hanay ng Navy. At pito naman ang kabuuang bilang ng nasawi dahil sa COVID-19.

Ngayon araw rin ang ika-80 araw na walang naitalang lokal na kaso ng COVID-19 sa bansa ayon sa CECC.
Share:

A migrant worker had been arrested for "Sexual Harassment" in Zhongli after kissing a 3 years old girl


Hsinchu (Hunyo 30, 2020)- Isang Thai National ang inaresto ng mga Police sa Zhongli matapos halikan ang batang babae nasa tatlong taong gulang sa harap ng train station ng Zhongli.

Base sa paunang imbestigasyon ay hinalikan umano sa lips ang bata ng walang paalam sa magulang. Napagkamala ng Taiwanes ang humalik na isang lalaki dahil sa iksi ng buhok. At matapos itong halikan ang bata ay agad ito sumakay pauwi kung saan natukoy ang kanyang tinitirahan sa Yuanlin Township, Miaoli County.

Ayon sa imbestigasyon, galing umano ang suspek sa isang kainan kasama ang 5 niyang kababayan. At napag-alaman rin na lasing ang suspek sa mga oras na iyon.


Kaagad naman dinala ang suspek pabalik sa Zhongli Police Station para sa imbestigasyon. Nakilala ang suspek na isang babaeng Thai National na nasa edad 34 na isang taon pa lamang sa Taiwan.

Ngunit ayon naman sa suspek ay wala umanong malisya sa kanyang paghalik sa bata. Naalala lang daw niya ang mga bata sa kanilang bansa na cute katulad sa biktima.

Nahaharap ngayon sa "sexual harrasment ang suspek ayon kay  Taoyuan City Police Chief Chen Guojin.
Share:

Guides in filing Labor Insurance Retirement in Taiwan


Lahat ng mga OFWs sa Taiwan na nagbabayad sa Labor Insurance ay may makukuha po kayong Pension o Retirement Benefits pag tanda natin.

Paano po ba makakakuha ng claim?
1. Pumunta sa pinakamalapit na City Hall na nasasakupan ng inyong lugar na pinagtratrabahuan at lumapit sa information at itanong kung saan pwede magpa-assist para mag-file ng pension ng labor insurance.

LIST OF LABOR INSURANCE OFFICES IN TAIWAN

2. Ihanda ang inyong ARC. Para sa gagawing verification ng staff.

3. Kapag na beripika na ang inyong dokumento ay bibigyan kayo ng buong listahan ng inyong hulog at computation sa inyong makukuhang pension pagtanda.

Kasali po ba ang Caregivers at Caretakers?
Sagot: Hindi po kasali, pwera lang kung kusang pina-register ng amo.

Malaki po ba makukuha sa Insurance at kelan po ba 'yan makukuha?

Sagot: Depende po yan sa kung ilang taon ka naghuhulog o nagtrabaho sa Taiwan. Mas mahabang taon mas malaki makukuha mo.

Para sa mga nag-asawa ng Tsekwa sa edad 55 ay maari na nilang makuha ang kanilang pension, pero para sa mga ordinaryong worker na hindi nakapangasawa ng Tsekwa ay makukuha lamang ang pension sa edad na 65.

Paano kung sakitin na ako sa mga panahong iyon at hindi ko na kaya maglakad? 

Sagot: Maari po lakarin ng authorized niyong claimants.

Pwede po ba ako magfile niyan kahit 3 years palang ako sa Taiwan at gusto ko nang mag-for good sa Pilipinas?
Sagot: Opo pwede ka po mag-file pero syempre mas mababa makukuha mo.

Paano po iyon eh nasa Pinas na ako hindi ako nakapag-file?
Sagot: Pwede miyo po ipasuyo sa inyong mga kaibigan dito sa Taiwan.


Anu-ano nga ba ang mga kailangan sa pag-file ng Pension sa Labor Insurance?

FOR FILING (PERSONAL)
1)ARC (old and new if magkaiba Chinese name mo bawat company)
2)OLD AND NEW PASSPORT

FOR FILING(by FRIENDS OR RELATIVES)
1)Authorization letter with signature and Chinese namechop
2)Passport(old and new)
3)ARC(old and new)

TO CLAIM (personal)-65 yrs old

1)Passport
2)ARC
4)Bankbook Copy(Philippine)
3)Computation form(Yung binigay sa inyo during filing)
5) Chinese namechop


TO CLAIM (by your son/ daughter/any member of the family/relatives)

1)AUTHORIZATION LETTER WITH SIGNATURE AND CHINESE NAMECHOP
2)PASSPORT
3)ARC
4) PHILIPPINES BANKBOOK COPY
5)CHINESE NAMECHOP (if wala po kayo pwede naman magpagawa nsa 50nt lng po bsta Chinese name mo po sa last company mo)
6)Computation form (Yung binigay sa inyo during filing)


Note: Mag-file lang kayo kung sure na kayo na hindi na mag-work sa Taiwan at mag-for good na sa Pinas.
Share:

Taiwan has recorded the hottest weather after 124 years


Taipei (Hunyo 29, 2020) - Nagtala ang Taiwan ng pinakamainit na temperatura ngayong araw ng Lunes. Umabot sa 38.9 degrees Celsius ang init na naramdaman kaninang 1:15 pm. Ito daw ang pinakamataas na temperaturang naitala sa loob ng 124 na taon, mula ng itayo ang Central Weather Bureau noong 1896.

Ang mataas temperatura ay bunsod ng Pacific high pressure system, prevailing hot dry southwest winds, at geographical features ngTaipei Basin, ayon sa CWB.

Sa ibang parte naman ng bansa ay naramdaman ang 36 degrees sa mga lugar ng New Taipei, Hsinchu, Taichung, Changhua at Kaohsiung. 

Samantala tatlong araw na rin nakakaranas ng 36 degrees na temperatura ang mga lugar ng Hualien, Changhua, Nantou, Yunlin, at Kaohsiung na inilagay sa "Orange Warning" at "Yellow Warning naman sa New Taipei, Taoyuan, Hsinchu, Miaoli, Taichung, Taitung and Yilan.

At para sa kaalaman, ang Taiwan ay nasa "summer season" na, na nagsisimula sa Hunyo hanggang Agosto kaya asahan pa ang mas mainit na temperatura hanggang sa buwan ng Agosto.

Share:

READ: List of important reminders for Returning OFWs


Sa mga uuwing OFWs, narito na ang mga panuntunan at mga pagdadaanan bago makauwi sa kanya-kanyang mga tahanan.

Para maiwasan ang mahabang pila at mapabilis ang proseso sa bawat darating na OFW ay gumawa na ng maayos na paraa ang gobyerno. Base sa protocol ng IATF at ng DOH.

Narito na ang mga pagdadanan ng mga OFW:

1.  Registration. Lahat ng mga uuwing OFW ay kailangan mag log-in sa https://e-cif.redcross.org.ph/ i-scan ang QR Code sa mga flat guide ng Philippine Red Cross. Sagutan ng kumpleto ang mga katanungan.

   Passport- ihanda ang soft copy ng inyong mga passport dahil i-upload ito sa system ng Red Cross

2. Confirmation Email at QR Code- matapos kumpletuhin ang mga katanung sa website ng Philippine Red Cross ay makakatanggap ang  bawat isa ng "email confirmation" at QR Code na gagamitin sa mga susunod na hakbang.

3. Briefing- Lahat ng mga OFW ay obligadong makinig sa gagawing briefing para sa mga susunod na hakbang.

4. Verfication at Barcoding- pagkatapos ng briefing ay dadaan na sa proseso ng "verication at barcoding " kung saan dadaan sa mga konting katanugan at bibigyan ng 6 na barcode sticker kung saan ang isa ay ilalagay sa passport at ang lima naman ay gagamitin sa mga susunod na proseso.

5. Swab Testing- Ang mga natitirang barcode ay ibibigay sa taong nag-swab at ipapakita na ang isang barcode ay nakadikit na sa pasaporte. At saka didiritso sa Swab Testing.

6. Immigration- Matapos ang swab test ay sasalang na sa "regular immigration inspection", para sa mga katanungan at pagbiripika ng mga records.

7. Quality Facility Assignment - Matapos dumaan sa immigration ay pupunta sa pinakamalapit na Help Disk para malaman kung saan quarantine facility ka mapunpunta.

Para sa mga OFW SEA-BASED ay pupunata sa kaya-kanyang mga Local Manning Agency (LMA)
Para naman sa mga OFW LAND-BASED ay pupunta sa OWWA Help Disk
Para naman sa mga NON-OFW/ Balikbayan ay didiretso sa Help Disk ng Department Tourism (DOT)

Tandaan na ang mga Help disk ay sila rin ang responsable sa pagpapauwi sa inyo pabalik sa mga probinsya.

8. Result- Ang bawat isa ay makakatanggap ng text message at email sa resulta ng kanilang swap test. Ang mga magnenegatibo ay bibigyan ng Medical Certificate bilang pruweba. At samantala sa mga magpopositibo naman ay agad ilipat ng gobyerno sa mga pagamutan hanggang gumaling.


Ang lahat ng mga OFW ay  mayroong 24 hours Helpline sa mga quarantine facilities at maari rin tumawag sa mga numero 1158 o 143 para sa mga katanungan.



Share:

Philippines is famous in International Community with fastest growing numbers of COVID-19


Taipei (Hunyo 29, 2020)- Pilipinas nangunguna sa may pinakmabilis dumami ng kaso ng COVID-19 sa Western Pacific, sa loob lamang ng dalawang Linggo ay umabot sa 8,143 ang mga bagong kaso base sa datos ng World Health Organization (WHO).

Sinundan ito ng Singapore sa kanilang "second wave" na 2,351 kaso. Ayon sa WHO sa 22 na bansa sa Western Pacific ang Pilipinas ang may pinakamabilis dumami.

Kaagad naman denepensahan ng DOH ang kanilang paghawak sa kaso. Ayon sa ahenysa dapat daw pagbatayan ang populasyon ng Pilipinas kung saan mas marami kaysa Singapore at Mas maganda daw ang Health System nila kumpara sa Pilipinas kaya hindi daw dapat ikumpara tayo sa ibang bansa.

Samantala lumalabas naman sa mga international news gaya ng UDN ng Taiwan kung saan pinapakita ang mabilis na pagdami ng kaso ng COVID-19 sa bansa.

Share:

60,000 COVID-19 cases seen by July 31-says UP Experts


Kaso ng COVID-19 sa Pilipinas maari daw pumalo sa mahigit sa 60,000 hanggang Hulyo 31, ayon sa isang ekspertong grupo mula sa University of the Philippines.

Ayon kayda UP professor Dr. Guido David, UP assistant professor Ranjit Singh Rye, Ma. Patricia Agbulos at UP professor Rev. Fr. Nicanor Austriaco, bukod sa pagtaas ng bilang ng mahahawaan ay maari rin tumaas sa 1,300 ang mamatay sa panahong iyon.

"Using the current value of Rt, based on the current number of cases in the Philippines (including uncategorized cases) and assuming the trends continue, this projects to more than 60,000 Covid-19 cases by July 31, with 1,300 deaths. In NCR, the projection is 27,000 cases by July 31, while in the province of Cebu, the projection is 20,000 cases by July 31. We emphasize that the projected increase in cases and deaths can be prevented by rapidly identifying and breaking chains of viral transmission, this represents "an increase of 50% from one period to the next," ayon sa grupo.

"This increase can be explained in part by the increase in testing capacity in the country especially since the positivity rate remains stable. Nonetheless, the positivity rate over the past two weeks is trending up suggesting that the pandemic is spreading more significantly, We believe that this uptick in the positivity rate reflects the current situation in Region VII: Central Visayas, which is experiencing a surge in infections," dagdag pa ng grupo.

Matatandaang noong Hunyo 11, nagbabala rin ang grupo na maaring umabot sa 40,000 ang kaso ng COVID-19 bago matapos ang buwan ng Hunyo.

Share:

LOOK: IATF has imposed a New Mandatory "Swab test" for stranded passenger bound to provinces


Taipei (Hunyo 26, 2020)- Dahil sa tumataas na kaso ng COVID-19 sa mga probinsya at isa sa mga tinuturong dahilan sa pagtaas ng bilang ay binago ng IATF ang mga panuntunan sa pag-uwi sa probinsya. Ito'y kahilingan at panawagan ng mga lokal government sa National Government upang mas maging ligtas at masuri ng maayos ang mga uuwi sa bawat probinsya.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque ay may bagong panuntunan na sa bawat uuwing stranded na pasahero sa Metro Manila kabilang na ang mga OFWs. Ang mga uuwi sa probinsya ay kailangan ng dumaan sa bagong "SWAB TEST" bago pa man tumulak sa probinsya. At kailangan munang antayin ang resulta bago payagang makauwi.

At dahil sa bagong regulasyon ay inaasahang mas lalo pang dadami ang bilang ng mga stranded sa mga quarantine facilities ng gobyerno matapos baguhin ang panuntunan. At isa pa sa magpapdagdag ng bilang dahil ang Eastern Visayas ay pansamantalang itiniggil ang pagtanggap ng mga stranded na pasahero mula sa Manila kabilang na ang mga OFWs.

Pero nilinaw naman ng Malacanang na tanging Eastern Visayas lang ang pansamantalang hindi tatanggap ng mga stranded at ang ibang probinsya ay tuloy pa rin ngunit dadaan na sa bagong regulasyon.

Share:

Parts of Eastern and Central Visayas are now the new Emerging Hotspot of COVID-19


Taipei (Hunyo 25, 2020)- Bukod sa probinsya ng Cebu at Cebu City, ilang lugar sa Eastern Visayas tulad ng probinsya ng Samar, Leyte, Southern Leyte, at Ormoc City ay itinuturing ng Emerging Hotspot ng COVID-19 ayon sa Department of Health.

Kinausap na ng mga opisyal ng bawat probinsya ang DILG upang pansamantalang ipahinto ang Programang "Balik Probinsya" kung saan lahat ng mga stranded mula sa Manila kabilang na ang mga OFW ay bawal lang muna umuwi sa Eastern Visayas.

Sa pakikipagdayalogo ni DILG Sec. Eduardo Año  sa ilang opisyal ng Eastern Visayas ay kaagad naman tinanggap ng kalihim ang hiling ng mga opisyal dahil sa tumataas na bilang ng COVID-19  sa rehiyon.

“Ang request nila ay magkaroon muna ng suspension ang pagdadala ng LSI sa Region 8, habang dine-declog nila ang kanilang quarantine facilities. Sa ngayon puno ang kanilang isolation facilties kung dadating ang mga maraming LSI ang problem papaano nila i-quarantine ang mga LSI. Ayaw naman nila na home quarantine kasi di sila sigurado kung lalabag sa protocol. I am going to accede and accept their proposal”.  pahayag ni Sec. Año.

Base sa datos ngayong alas 8 ng gabi, mula sa  Department of Health- Eastern Visayas Center for Health Development (DOH- EV CHD) ay pumalo na sa 467 ang kabuuang bilang ng COVID-19  sa rehiyon. Ngayong araw ay nagtala ng 16 na bagong kaso, kung saan pinakamarami ay mula sa Southern Leyte. At tinatayang nasa 80 namang mga Medical workers at doctor ang nahawaan na ng naturang sakit.


Share:

GOOD NEWS: Taiwan is now open for International Layovers


Isa pang good news ngayong araw dahil kahapon, Hunyo 24, sa Press Briefing ng Central Epidemic Command Center (CECC) ay pinapayagan na ng bansang Taiwan ang "layover" o "transfer" ng mga international flights.

Ayon kay Transportation and Communications Minister Lin Chia-lung simula ngayong araw ng Hunyo 25, ay bukas na ang Taouyuan International Airport para sa mga "International Layovers or Transfers". Ito'y inihayag niya kahapon kabilang na ang Civil Aeronautics at Taoyuan Airport Corporation.

Samantala nagbigay naman ng mga panuntunan ang CECC sa pangunguna ni Deputy Chief Chen Tsung-yen. Ang mga "transfer passengers" ay maari lamang magtagal ng walong oras sa paliparan at ilalagay sa isang isolation area. At sa mga pasahero na mag-transfer na "less an hour" ay dadaan sa ibang linya at hindi ihahalo sa mga magtatagal sa paliparan. Kabilang na ang mga "special authorized staff" na magbebenta ng mga pagkain at dury-free product.

Ayon la kay Chen ang CECC ay patuloy na babantayan ang sitwasyon sa paliparan at maaring magbago ang mga regulasyon "every two weeks" kung kinakailangan.
Share:

GOOD NEWS: Taiwan will accept foreign entry applications starting June 29


Magandang Balita, dahil simula sa Hunyo 29 ay muling bubuksan na ng Taiwan ang kanilang pintuan para sa mga Foreign National at maari ng magsumite ng mga "entry permit" subalit hindi kabilang ang mga "turista" o mamasyal lang.

Ayon sa press briefing ni Central Epidemic Command Center Deputy Chief Chen Tsung-yen kahapon, Hunyo 24, 2020. Kahit saang bansa na Foreign National ay maaring ma-apply ng entry sa Taiwan, hindi kabilang ang mga turista at mga "social visit".

Isa sa mga pangunahing kailangan bago makapasok sa Taiwan ay ang "Negative Test Result" ng COVID-19 na isasagawa tatlong araw bago lumipad pa Taiwan. At lahat ng papasok sa Taiwan ay sasailalim pa rin sa mandatory 14 days quarantine. At muling sasailalim sa pagsusuri ng COVID-19 bago i-released, ayon sa opisyal.

Kabilang sa mga pinayagan maka-apply ng entry permit ay ang mga taga Hong Kong at Macau.

Matatandaang  noong Marso 19 ay tuluyan ng isinara ng Taiwan ang kanilang mga paliparan at pantalan sa mga Foreign National dahil sa banta ng COVID-19.

Source: TAIWAN NEWS
Share:

Local Hiring: Production Operator for GEMECO | Apply via online


Position: Production Operators
Job Location:62 General Luis, Novaliches, Quezon City, 1125 Metro Manila, Philippines
Company: General Metal Container Corporation of the Phils. (Gemeco)

And due to COVID-19, all application are made easy by applying online, for your application click the link below.


CLICK HERE TO APPLY ONLINE

Company Overview
Tin cans provide a key nutritional food delivery system through the most convenient, environmentally friendly, and safe form of packaging. GEMECO is the most progressive company in this vital industry. With roots dating back to 1954, our company has a long tradition of product excellence and customer service. We are looking for talented, dynamic individuals to join us in our continued growth.


GEMECO’s customers include: Angel Milk, 555, Argentina, Century Tuna, Hunt’s-URC, Ligo, Mead Johnson, Purefoods Hormel, Reno, Swift, Virginia, and Youngstown.
The company's main plant is on a four-hectare property in Quezon City and it operates satellite factories in Cebu and Zamboanga. GEMECO has the fastest can manufacturing line in the country and is the only Can maker in the Philippines capable of producing easy-open ends. It boasts of very modern metal lithography lines and in-house plate-making facilities. It also has a very well equipped machine shop that serves it's tooling needs.



---------------------------------------------------
FOR YOUR INFORMATION: OFW BUDDY is not an Agency nor an Agent. We are not accepting online applications and referrals. All content provided on this blog is for informational purposes only. The owner of this blog makes no representations as to the accuracy or completeness of any information on this site or found by following any link on this site. The owner will not be liable for any errors or omissions in this information nor for the availability of this information. The owner will not be liable for any losses, injuries, or damages from the display or use of this information.
Share:

Local Hiring: Production Helper for Prime Worldwide Paper Packaging Corp. | Apply via online

Image for representation only

Position: Production Helper
Job Location: Sta. Rosa, Laguna
Company: PRIME WORLDWIDE PAPER PACKAGING CORPORATION

And due to COVID-19, all application are made easy by applying online, for your application click the link below.

CLICK HERE TO APPLY ONLINE


Company Overview
PRIME WORLDWIDE PAPER PACKAGING CORPORATION (PRIME) is one of the leading and fastest growing corrugated box manufacturers in the Philippines. PRIME has created custom cardboard box packaging and corrugated box base solutions for many industries primarily in the export sector. Our corrugated packaging clientele includes Electronics, Semiconductors, Handicraft, Garments, Food and Consumer Products. PRIME has since grown to be one of the leading corrugated carton manufacturers in the industry.


-------------------------------------------------------
FOR YOUR INFORMATION: OFW BUDDY is not an Agency nor an Agent. We are not accepting online applications and referrals. All content provided on this blog is for informational purposes only. The owner of this blog makes no representations as to the accuracy or completeness of any information on this site or found by following any link on this site. The owner will not be liable for any errors or omissions in this information nor for the availability of this information. The owner will not be liable for any losses, injuries, or damages from the display or use of this information.
Share:

Local Hiring: Production Operators for SUNSONIC | Apply via online

Image for representation only


Position: Production Workers
Agency: Transform Manpower and Allied Services

Address:54 Molino - Paliparan Rd, Dasmariñas, Cavite

Phone: +63 46 454 8327 / (046)972-2660

EMAIL: transform_manpower@yahoo.com


And due to COVID-19, all application are made easy by applying online, for your application click the link below.

CLICK HERE TO APPLY ONLINE



Transform Manpower paves the way towards a paradigm shift in job placement. At Transform, we make sure that we educate and train our staff not only on the technical aspects of a job, but also on the emotional and psychological side as well. We believe that by doing so, we are not only ensuring job security for our staff but most importantly we protect the interest of our clients by providing them with competent and resilient employees with the right mindset.

------------------------------------------------------------------------
FOR YOUR INFORMATION: OFW BUDDY is not an Agency nor an Agent. We are not accepting online applications and referrals. All content provided on this blog is for informational purposes only. The owner of this blog makes no representations as to the accuracy or completeness of any information on this site or found by following any link on this site. The owner will not be liable for any errors or omissions in this information nor for the availability of this information. The owner will not be liable for any losses, injuries, or damages from the display or use of this information.
Share:
Loading...