General Information and Millennial Jobs for every Filipinos

9th OFW at Family Summit idinaos


Manila, Philippines- Kahit malaki ang sinasahod sa ibang bansa, marami pa rin mga OFW ang hindi nakakaipon o kaya'y di nakapagpapatayo ng negosyo. Ang mga ito ay kabilang sa mga gustong solusyunan ng OFW and Family Summit ng gobyerno na kung saan itinuturo dito ang tamang paraan ng paghawak ng pera at diskarte s pagnenegosyo.

Sa ulat ng GMA news, ininterview nito ang isang OFW na mahigit dalawang dekada ng nagtatrabaho sa Hongkong bilang Domestic Helper ito ay si Epifania Sarsosa. Sinabi niya sa reporter na wala man lang ito naipundar na kahit ano dahil lahat ay napupunta sa pang araw-araw na gastusin ng kanyang pamilya. Ngunit dahil sa nangyayaring gulo sa Hongkong napilitan iyong bumalik ng Pilipinas at para alagaan na lang ang knyng ina.

Isa si Epifania sa libo libong pumunta sa OFW and Family Summit 2019 na layong turuan maging financial literate ang mga OFW at pamilya nito.

Bagama't meron na daw pumapasok na mga OFW ang pumapasok sa pagnenegosyo gaya ng mga food courts business, sari sari store, pamamasada nangangailangan pa rin ito ng diskarte.

Ayon kay Camille Villar, kailangan pa rin magpursige ang mga tao at kailangang may wastong kaalaman ang mga ito sa negosyo at hanap buhay na itatayo nila.

Sinabi din ni DTI Sec. Ramon Lopez na kung saan angkop ang kakayahan mo yun ang kunin mong gawin gaya ng kung ikaw ay marunong magluto maaari kang magnegosyo ng restaurant. Pero kung ikaw ay isang caregiver or graphic designer hindi ito ang pwede mong kunin na negosyo.
Bukod sa negosyo marami ding mga OFW ang naeengganyo sa pagsali sa mga investment kaya mahalaga na maging mapanuri.

Sinabi ni Sen. Cynthia Villar na nagtuturo din sila ng out of revent na maloko ka about Scam. Kasi alam ng mga tao na may savings ang mga OFW kaya tinatarget nila ang mga ito.

Sa pamamagitam ng Negosyo Center ng DTI maaari humiram ng puhunan mula 5,000 hanggang 200,000 pesos, kailangan lang magsumite ng form at patunay na mayroong negosyo ang nanghihiram.


Share:

No comments:

Post a comment

Loading...

Blog Archive