General Information and Millennial Jobs for every Filipinos

Isang Chinese ang muntikan ng mamatay dahil sa pagkain ng sushi


Sa China isang lalaki ang muntikan ng mamatay dahil sa pagkahilig nitong kumain ng sushi. Pumunta sa doktor ang nasabing lalaki pagkatapos makaramdam ng pananakit ng tiyan at pangangati ng buong katawan. Sumailalim siya sa x-ray at doon nakita na ang buong katawan niya ang puno ng uod. Ayon sa doktor ang naging dahilan ng kanyang malalang kondisyon ay ang pagkain niya ng marami ng sushi o hilaw na isda na kontaminado ng mga itlog ng tapeworm. Kapag nakakain raw ng isdang kontaminado na ng mga itlog ay maari itong maisalin sa sa tao at wala raw agad makikitang sintomas na ikaw ay infected na rin. Kakalat ang mga itlog nito sa katawan ng tao at kapag napisa na saka lamang makikitaan ng sintomas ang isang tao na kontaminado. Ang mga uod sa katawan ay maaaring ikamatay sa pagkat unti-unting kakainin nito ang ating utak, atay, mata, puso at iba pang parti ng katawan. Sa paniniwala ng mga doctor ang pagkain ng Japan delicacy ay mapanganib dahil maaaring maging kontaminado ang hilaw na isda ng tapeworm.
 
  Ayon sa pagsasaliksik ang mga hilaw o di kaya'y half cook isda ay pwedeng maging kontaminado ng iba't- ibang parasite na maaaring mailipat sa tao at maging dahilan ng pagkamatay.

  Sa ngayon ay kasalukuyang ginagamot ang tsinong lalaki sa Guangzhou No. 8 People's Hospital, Guangdong Province ng Eastern China.


Source:dailymail.co.uk
Share:

No comments:

Post a comment

Loading...

Blog Archive