General Information and Millennial Jobs for every Filipinos

Isang grade six student nilaslasan ng lalamunan ng isang di kilalang lalaki


Ayon sa ulat ng isang Pulis, isang estudyante ng elementarya ang nalaslasan ng lalamunan ng isang lalaki sa Northeastern Japan prefecture ng Aomori sa isang tila walang tiyak na layunin sa pag atake.

Ang studyanteng nasa ikaaanim na baitang ay mabilis na dinala sa hospital ng lungsod sa Hachinohe. Ito ay may malay at nakakapagsalita, ayon ito sa mga Police at lokal ng Departamento ng Sunog.

Kwento ng Police, ang batang babae ay naglalakad mag-isa ng salakayin ito ng isang lalaki mula sa kanyang likuran na may hawak na kutsilyo bandang 4:40 p.m, at hiniwa siya nito na halos 10 sentimetro ang haba at 1 sentimetro ang lalim.

Ayon din sa Pulisya, inilarawan ang lalaki na may manipis at maikling buhok, may nakasuot s likod na blue backpack na kulay blue at may hawak pa iyong isang bag.

Ang paaralan ng batang babae ay kasalukuyan nangangalap ng impormasyon at sinusubukan kumpirmahin ang kaligtasan ng iba pang mga bata nang mabilis hangga't maaari, ito ang sinabi ng pangalawang punong-guro.

Binalaan ng lokal na pamahalaan ng Hachinohe ang mga residente tungkol sa isang kahina-hinalang tao na nakita noong Huwebes ng gabi kasunod ang mga bata na  malapit sa lokasyon ng pag-atake, isang tirahan na lugar 2 kilometro mula sa JR Konakano Station.


Share:

No comments:

Post a comment

Loading...

Blog Archive