General Information and Millennial Jobs for every Filipinos

Mga kaliwat kanang protesta pinaralisa ang transportasyon sa Hong Kong

 
Hongkong (November 12, 2019)- Sumiklab ang pinakamadugong protesta sa Hongkong kahapon sa pagitan ng mga protestante laban sa gobyerno. Na sundan pa ito ngayong Martes na nagdulot ng matinding trapiko ng simulan nilang harangin ang mga dinadaan ng mga sasakyan at maging ang mga train station. Pinagbabato nila ang mga sasakyan at pinaglalagyan ng mga pinta. Naging apektado ang mga transportasyon at kabilang na sa na apektohan ang 20 railway station ng araw na iyon.

 Napilitan ang mga tao na maglakad na lang dahil wala silang magagawa sa nangyayayaring kaguluhan sa Hongkong.

  Samantala noong lunes din naganap ang madugong pangyayari. Binaril ng isang pulis sa malapitan ang isang kasamahan ng mga ngpropotesta at isa rin lalaki ang sinindihan ng apoy ng mga ngproprotesta ayon sa mga police at sinabi na ito ay attempted murder.

 Sinabi ng mga nagproprotesta na mas titindi pa ang kanilang mga gagawin sa darating na mga araw pag hindi parin bumaba sa pwesto si Carrie Lam. Ngunit ayon sa pahayag ni Lam, hindi makakaapekto sa kanya ang mga ginagawa ng mga protestante upang siya ay mgbitiw sa kanyang ka tungkolan.





Share:

No comments:

Post a comment

Loading...

Blog Archive