General Information and Millennial Jobs for every Filipinos

Negosyo Center para sa mga OFWs balak pangdagdagan upang hindi na kailangan umalis pa



Manila Philippines (November 12, 2019)- binabalak ng Department of Trade and Industry na palawigin pa ang mga programang naglalayong tulungan ang mga OFWs para sa pagpapatayo ng sariling negosyo. Plano nilang mahimok ang mga OFWs natin na hindi bumalik ng bansa upang magkaroon ng sariling negosyo dito.

 Binabalak ng departamentong maglagay pa ng negosyo center mula 400 hanggang 1,000 para magasikaso agad ang mga documento mula sa mga OFW's na gustong magtayo ng sariling negosyo. Ang kailangan lang ay mag fill up ng form sa kanila at hindi na maglatag pa ng business plan upang maging kualipikado para sa livelihood assistance.

  Ayon sa ulat Philippine Overseas Employment Admistrator, bumaba ang bilang ng mga OFW's na nagtratrabaho sa abroad. Mula 2016 nasa bilang na 2.112 milyon mas bumaba naman ito sa 2.044 milyon ngayon o katumbas ng 3.19 porsiento.

 Ayon mismo sa dating OFW na si Marvin Comia double na ang kanyang kinikita ngayon kaysa sa nagtratrabaho pa siya sa ibang bansa mula ng pasukin niya ang pagnenegosyo ng delivery service at sari-sari store.

  Ngunit sa datos ng POEA  mula 2016, 1.085 milyon ay naging 1.136 milyon na ngayon ang bumabalik sa ibang bansa para magtrabaho.

  May ibinibigay naman ang OWWA na tulong para sa mahihirap na pamilya ng OFW's. Ito ay ang livelihood assistance na nagkakahalaga ng Php20,000.



Share:

No comments:

Post a comment

Loading...

Blog Archive