General Information and Millennial Jobs for every Filipinos

OFW walang habas na pinagbabaril ng kumpare sa lamay, patay!


Vigan, Ilocos Sur (November 12, 2019 ) - Patay ang isang OFW kahapon sa mismong burol ng kanyang biyenan, matapos pagbabarilin ng kanyang kumpare sa Brgy. Salindeg, Vigan City, Ilocos Sur kahapon ng madaling araw. Kinilala ng imbestigador na si P/Staff Sergeant Robinson Tabrilla, ang biktima na si  Ginang Jenifer Quiton, 40 anyos, tubong Vigan City. Habang pinanghahanap pa ang suspek na si Edgardo Quidolit ng nasabing Barangay.

Ayon sa mga nakasaksi, agad na pinaputukan ng suspek ang biktima na napuruhan sa leeg at dalawa pang tama sa katawan saka tumakas dakong alas 1:00 ng madaling araw. Sinikap pang isugod ng mga naglalamay ang biktima na si Quiton sa Ilocos Sur Provincial Hospital-Gabriela Silang pero kasamang palad hindi na ito umabot ng buhay sa ospital dineklara na itong dead on arrival ni Dr. Milalyn Ruth Delizo.

Ayon sa imbestigasyon, may matagal nang may alitan ang magkumpare na siyang dahilan ng pamamaslang. Nang makita ng suspek na nasa burol ng biyenan nito agad nitong nilapitan saka sunod-sunod na pinaputukan habang naglalaro ng baraha kasama ang ilang naglalamay.

Napag-alaman na nagbabakasyon lamang  ang biktima mula sa Italy at naiwan ang kanyang pamilya sa nasabing bansa.

Share:

No comments:

Post a comment

Loading...

Blog Archive