General Information and Millennial Jobs for every Filipinos

7 Benepisyo ng Pagkain ng Langka



Ang langka ay isang prutas na kilala sa Pilipinas dahil sa lasa at mabangong amoy nito. Karaniwang iniluluto na minatamis o ginataan. Ang prutas na ito ay mayaman sa bitamina, minerals, at anti-oxidant na maganda para sa ating katawan. Ang langka ay hindi Lang masarap, ito rin ay isang halamang gamot na panlaban sa iba't-ibang karamdaman at nakakapagbigay ng maraming benepisyo sa ating katawan.

Mga benepisyo ng langka sa ating kalusugan:
1.)Tumutulong para makaiwas sa Anemia. Mataas sa iron ang langka, nakakatulong ito upang maka iwas sa anemia at pagpapaganda ng daloy sa katawan.
2.)Proteksyon sa Mata. Ang langka ay mayroong vitamin A na isang nutrient na kailangan ng ating mata. Nakakatulong din itong iimprove ang ating paningin at protektahan ang Mata sa mga free radicals.
3.) Nagbibigay proteksyon sa Colon. Dahil sa taglay nito na anti-oxidant properties, kaya nitong bigyan ang proteksyon ang colon o bituka. Ito rin ay punong-puno ng fibers na kayang linisin ang ating bituka upang tayo ay makadumi ng maayos.
4.)Nagkokontrol Ng heart rate o blood pressure. Kung tayo ay may problema sa puso, nakakatulong ang pagkain ng langka na ikontrol ang ating heart rate at iregular ang presyon sa normal dahil sa taglay nitong potassium.
5.)Pinapalakas ang Immune System. Mataas ang taglay ng anti-oxidant properties at vitamin C ang langka na nakakatulong upang labanan ng katawan ang mga toxins sa ating sistema.
6.)Panlunas sa Constipation. Problema ang hirap sa pagdumi ay kumain ng langka dahil ito ay nakakatulong tunawin ang matigas na dumi o toxic waste sa loob ng katawan. Nakakatulong ito upang makadumi ng regular dahil sa taglay nitong fibers.
7.)Anti-aging Properties. Ang langka ay mayroong anti-aging properties na tumutulong pabagalin ang pagkasira ng mga cells na sanhi ng maagang pagtanda at pagkakaroon ng mga wrinkles sa balat.


Disclaimer: OFW Buddy and its article may contain general information relating to various medical conditions and their treatment. Such information is provided for informational purposes only and is not meant to be a substitue for advice provided by a doctor or other qualified health care professional. Patients should not use the information contained herein for diagnosing a health or fitness problem or disease. Patienst shoudl always consult with a doctor or other health care professional for medical advice or information about diagnosis and treatment.
Share:

No comments:

Post a comment

Loading...

Blog Archive