General Information and other helpful jobs

Ano ang HIV Infection



Ang sakit na ito ay nag-uumpisa bilang HIV infection, kung saan ang pasyente ay wala pang nararamdaman. Paglipas ng ilang taon, posibleng tuluyan ng sirain ng HIV virus ang immune system ng katawan. Kapag bumagsak na ang resistensiya ng taong may HIV, magkakaroon na ng sintomas ng pamamayat, lagnat at ubo. Ito ng tinatawag na AIDS (Acquired Immune Deficiency Syndrome).

Nakukuha ang sakit na HIV o Aids sa pamamagitan ng:

*Pakikipagtalik. Pwede kang mahawaan kapag ika'y nakapagtalik sa isang taong positibo sa HIV virus. Sa mga hindi gumagamit ng condom, halos 80% ng kaso ng HIV-AIDS ay nagmumula sa unsafe sex.

*Pagpapanganak at Pagpapasuso ng Sanggol. Kapag ang nanay ay positibo sa HIV Virus, puwede niyang maipasa ang HIV sa kanyang sanggol. Kailangan magpatingin ang nanay sa doktor at mabakunahan ang kanyang sanggol.

*Paggamit ng Karayom. Ang mga drug addicts na naghihiraman ng mga karayom o injections ay puwedeng magka AIDS dahil ang pagsasalin ng hindi malinis na dugo ay isang paraan din ng infected blood via blood transfusion.

Upang makaiwas sa HIV o para hindi mahawaan ng sakit na ito sundin ang mga sumusunod:
*Huwag makipagtalik kung kani-kanino. Kung kakayanin, makipagtalik sa isang partner lang.
*Gumamit ng condom
*Huwag maghihiraman ng pang-ahit
*Huwag hawakan ang sugat ng ibang tao lalo na kung walang proteksyon.
*Iwasan ang pagsasalin ng dugo

Ang pinakamabisang paraan para hindi mahawaan ng HIV ay huwag makikipagtalik kung kani-kanino makunteto sa isang partner lang. Maging faithful sa mga asawa o partner natin para maka iwas sa ganitong sakit. Dahil ang panandaliang ligaya sa iba ay habang buhay naman na pagdurusa kung ikaw ay mahahawaan ng HIV o AIDS.
Share:

No comments:

Post a Comment

Loading...

Blog Archive