General Information and other helpful jobs

Benepisyo ng Malunggay sa ating Katawan


Ang Malunggay (moringa) ay kinilala na "king of superfoods"dahil taglay nitong natural na sangkap na nakapagbibigay ng sobra-sobrang benepisyo sa ating kalusugan ng higit pa sa nakukuha natin sa ibang prutas at gulay. Ito ay nakapagbibigay ng sapat na lakas, sigla, nagkokontrol sa cholesterol level at nakakatulong upang makaiwas sa pagkakaroon ng kanser at iba pang sakit.

Maraming magandang  benepisyo ang Malunggay sa ating kalusugan tulad ng:
*Calcium - ang dahon ng Malunggay ay mayaman sa calcium na pampatibay ng buto at panlaban sa osteoporosis. Ang malunggay ay kayang magbigay ng apat na beses na lakas ng calcium na makukuha sa gatas ng baka.
*Iron - nakakatulong sa mga anemic o kulang sa dugo.
*Vitamin C - ang dahon ng malunggay ay pitong beses ang kayang ibigay na vitamin C sa katawan ng tao kumpara sa nakukuha natin sa pagkain ng orange.
*Vitamin A - ito at nagbibigay ng vitamin A apat na beses ang lakas kumpara sa kayang ibigay ng carrots.
*Potassium - ito ay kayang magbigay ang malunggay ng tatlong beses na potassium na nakukuha sa saging.

Ang Malunggay ay mabisa din sa paggamot ng mga ilang karamdaman natin sa ating katawan tulad ng:
*Panlaban sa Stress - ang Malunggay ay mayaman sa protien, potassium, vitamin A&C na kilalang antioxidants.
*Gamot sa Sugat - durugin ang dahon ng Malunggay at lagyan ng konting tubig bago painitin. Itapal ang paste sa sugat.
*Lunas sa Constipation - magpakulo ng 2 baso ng dahon ng Malunggay at inumin ang sabaw. Gawin ito sa gabi at tiyak na ilalabas mo ang dumi kinabukasan.
*Pambagal sa pag edad ng katawan - dahil sa likas na antioxidants nito, nalalabanan ang mabilis na pagtanda.
*Anti-Canser - ang malunggay ay may natural na substance na nagpapalakas sa resistensiya ng katawan upang malabanan ang kanser.
*Panlaban sa sakit sa Puso at Stroke - dahil nakokontrol ng isothiocyanates ang blood pressure at blood sugar, nababawasan nito ang panganib ng pagkakaroon ng sakit sa Puso at stroke.
*Nakakatulong magbalanse ng blood sugar - ang dahon ng malunggay ay mayaman sa flavanoids tulad ng quercetin na nakakatulong sa paggawa ng histamine at chlorogenic acid na parehong nagreresulta sa pagbalanse ng blood sugar.

Ang Malunggay ay pinakamabisang pampalakas ng gatas ng nagpapasuso na nanay, ang gagawin mo lang ay ugaliing maglagay ng dahon ng Malunggay sa ulam araw-araw. Pwede rin itong pakuluan at inumin upang madagdagan ang iyong gatas. Ang sustansiya nito ay makakatulong sa sanggol sa loob ng sinapupunan.



Disclaimer: OFW Buddy and its article may contain general information relating to various medical conditions and their treatment. Such information is provided for informational purposes only and is not meant to be a substitue for advice provided by a doctor or other qualified health care professional. Patients should not use the information contained herein for diagnosing a health or fitness problem or disease. Patienst shoudl always consult with a doctor or other health care professional for medical advice or information about diagnosis and treatment.
Share:

No comments:

Post a comment

Loading...

Blog Archive