General Information and Millennial Jobs for every Filipinos

8 Magandang Epekto ng Pag-inom ng Okra Water


Ang little fingers o mas kilala natin sa tawag na okra ay isang napakasustansiyang gulay. Maraming tao ang inaayawan ang gulay na ito dahil sa pakiramdam ng pagkain, dahil madulas at malapot. Ang okra ay maraming vitamin ang makukuha gaya ng vitamin A, B, C, E, at K. Meron din itong minerals calcium, potassium, Iron, zinc at magnesium. Naglalaman din ito ng Mucilaginous Fiber na mabisa sa metabolism ng ating katawan.

Paraan ng paggawa ng Okra Water:
1.)Kumuha ng 3 hanggang 5 pirasong okra. Mas maganda kung bagong pitas. Hugasan at hiwain ang okra ng pira-piraso.
2.)Maglagay ng tubig sa isang baso at ilagay ang hiniwang okra.
3.)Ibabad ang okra solution ng buong gabi.
4.)Pag gising sa umaga ay alisin ang okra at inumin ito.

Mga benepisyo ng pag-inom ng okra water:
1.)Nagpapababa ng Kolesterol - dahil ang okra ay nagtataglay ng Mucilaginous Fiber, makakatulong ito upang mawala ang mga masasamang kolesterol sa katawan.
2.)Para sa may Diabetes - madalas na riseta ito sa may mga diabetes, dahil ang okra ay may mga insulin properties na tumutulong upang mabawasan ang sugar levels sa dugo.
3.)Hirap sa Pagdumi - ang mucilaginous fiber na pumapasok sa ating katawan sa pamamagitan ng pagkain o pag-inom ng okra solution ay nakakatulong sa kahirapan sa pagdumi. Dahil nililinis nito ang mga toxins na nasa loob ng ating katawan.
4.)Pampalakas ng resistensiya - marami ang makukuha na bitamina sa okra katulad ng vitamin C, napapalakas nito ang ating resistensiya. Kasama na rin ang anti-oxidant na nakakatulong sa immune system ng katawan.
5.)Diarrhea - ang mga taong nakakaramdam ng ganitong sakit ay nawawalan ng mineral at electrolyte sa katawan. Dahil sa yamang mineral ng okra, ang pag-inom ng okra water ay magdadagdag ng nawalang mineral sa katawan. Malalabanan ng okra water ang pagkakaroon ng ganitong sitwasyon.
6.)Para sa may ubo at makating lalamunan - ang malapot na katas ng okra ay mabisang gamot sa sore throat at ubo. Ito ay dahil sa naglalaman ng antibacterial properties ang katas ng okra.
7.)Panlaban sa Stress - ang mga buto ng okra ay nagtataglay ng anti-oxidant na mabisang bagay upang mawala ang stress natin. Kaya kung nakakaramdam na palagi kang balisa at stress, makakatulong ang okra water para mawala ang strees natin.
8.)Pampaganda ng balat - ang pag-inom ng okra water ay sadyang maraming maitutulong. Bukod sa resistensiya ay pwede rin itong pampaganda sa balat. Dahil sa mga anti oxidants na nakukuha sa okra, nililinis ang dugo na dumadaloy sa ating katawan. Sa pamamagitan nito matatanggal ang mga tagihawat.



Disclaimer: OFW Buddy and its article may contain general information relating to various medical conditions and their treatment. Such information is provided for informational purposes only and is not meant to be a substitue for advice provided by a doctor or other qualified health care professional. Patients should not use the information contained herein for diagnosing a health or fitness problem or disease. Patienst shoudl always consult with a doctor or other health care professional for medical advice or information about diagnosis and treatment.
Share:

No comments:

Post a comment

Loading...

Blog Archive