General Information and Millennial Jobs for every Filipinos

Anim na magandang benepisyo ng pagkain ng Monggo



Ang Monggo ay isa sa mga paboritong pagkain ng mga pinoy, lalo na kung niluto ito bilang ulam na ginisang Monggo. Ang monggo ay sagana sa protina at folic acid kaya naman isa rin itong pagkain rekomenda sa mga buntis. Nakakatulong ito sa pagdevelop ng utak ng kanilang dinadalang sanggol, upang magkaroon ng malusog na cell growth at mabawasan ang pagkakaroon ng birth defects.

Narito ang anim na magandang benepisyo ng monggo sa ating katawan:
1.) Nagpapatibay ng buto. Ang monggo ay sagana sa calcium na tumutulong upang palakasin at patibayin ang mga buto.
2.)Nakakatulong para maiwasan ang diabetes. Ang pagkain ng monggo ay nakakatulong para maiwasan ang type 2 diabetes dahil mayroon itong anti-diabetic effect. Lalo na kung sinamahan mo ito ng pagkain ng malunggay at ampalaya dahil ang mga pagkain na ito ay mababa ang glycemic index at nakapagpababa ng cholesterol.
3.)Nakakabawas ng blood pressure. Ang monggo ay nagtataglay ng anti-hypertensive effects na nakakatulong sa pagkontrol ng mataas na presyon at kontrahin ang pagkakaroon ng sakit sa puso.
4.)Nagpapalakas ng resistensiya. Ang monggo ay mayroong phytonutrients na anti-inflammatory at anti-microbial na tumutulong palakasin ang immunity laban sa mga bacteria at virus. Tumutulong din ito pagandahin ang pag-absorb ng nutrients sa katawan.
5.) Nakakatulong tanggalin ang free radicals sa katawan. Ang mga free radicals ay masamang resulta ng dulot ng oxygen metabolism ng katawan. Ang mga ito ay maaaring magdulot ng masamang epekto sa katawan gaya ng kanser. Sagana ang monggo sa anti-oxidants na kayang tanggalin ang mga free radicals ng katawan.
6.) Nakakatulong para mabawasan ang karamdaman sa menopause. Ang monggo ay mayroong isoflovones na nakakatulong upang maiwasan ang pagkakaroon ng mga babaeng nasa kanilang menopausal stage na makaranas ng matinding hot flashes, insomnia at depression.


Disclaimer: OFW Buddy and its article may contain general information relating to various medical conditions and their treatment. Such information is provided for informational purposes only and is not meant to be a substitue for advice provided by a doctor or other qualified health care professional. Patients should not use the information contained herein for diagnosing a health or fitness problem or disease. Patienst shoudl always consult with a doctor or other health care professional for medical advice or information about diagnosis and treatment.
Share:

No comments:

Post a comment

Join now in our TAIWAN Online Facebook Community

Join now in our TAIWAN Online Facebook Community
Click the picture to join the group

Join now in our JAPAN Online Facebook Group

Join now in our JAPAN Online Facebook Group
Click the image to join JAPAN HIRING GROUP
Loading...

Blog Archive