General Information and other helpful jobs

Benipisyo ng Kalabasa Puree o Soup sa ating Katawan


Maraming benepisyong taglay ang kalabasa na makakatulong sa pagpapalusog ng ating katawan. Ang halaman na ito ay gumagapang  na may bungang bilugan at kulay dilaw na laman. Ang kanyang mga tangkay at dahon ay kulay berde at namumulaklak rin ng kulay dilaw. Mas mabilis ang absorption ang nutrients ng kalabasa kung ito ay kakainin ng liquid form kaysa kainin ito ng buo. Ang iba ay ginagawa itong soup o puree at ito ay pwedeng ipakain sa mga pasyenteng hirap kumain ng solid food. Ito rin ay pwede sa mga Bata na hindi pa kayang kumain ng matigas na pagkain.

Benepisyo na makukuha sa kalabasa puree o soup:
1.)Pampalinaw ng Mata. Ang kalabasa ay may taglay na benepisyong nakakatulong sa pagpapaganda ng ating mga mata. Ang pagkain ng kalabasa ay nakapagbibigay ng sapat na bitamina para sa mata at mailalayo pa sa mga kondisyon na maaaring makuha tulad ng pagkabulag, panlalabo ng mata.
2.)Pampatibay ng buto. Ang kalabasa ay nagtataglay ng mataas na bitamina na nakakatulong sa pagpapatibay at pagpapalusog ng mga buto sa katawan. Nagtataglay ito ng zinc, calcium, magnese ang kalabasa na siyang kailangan para sa pagpapatibay at malusog na buto.
3.)Heart health at iwas sa Diabetes. Ang kalabasa ay may taglay na kakayahan na tulungan ang malusog na puso at mailalayo sa mga problema sa puso. May taglay rin ito na nakakatulong sa magandang pag gana ng mga organ sa ating katawan at magandang pagdaloy ng dugo sa ating katawan, na makakatulong rin sa pagpababa ng sugar level na kung diabetes.
4.)Regulates Blood Circulation. Ang kalabasa ay nagtataglay ng mataas na iron at copper na mahalaga para sa red blood cells. Ang pagkain ng kalabasa ay nagbibigay ng magandang kalusugan at mailalayo sa ilang mga kondisyon katulad ng anemia.
5.)Pampalakas ng katawan. Ang kalabasa ay may taglay na vitamin at mineral na kinakailangan ng ating katawan para sa malakas na pangangatawan. Ang pagkain ng kalabasa ay makakatulong sa pagpapalusog ay paglalakad ng ating katawan upang malabanan o maiwasan ang mga impeksyon.

Narito kung paano gawin ang kalabasa Puree:
Mga sangkap:
*Kalabasa (mashed)
*Chicken broth
* 1 sibuyas
* bawang powder
*1/2 whipping cream
* Paminta durog
*Asin

*Palambutin ang kalabasa. Maaari itong iblender o i-mashed gamit ang tinidor.
*Ilagay ang chicken broth, kalabasa at sibuyas sa isang kawali. Hayaan itong kumulo habang hinahalo upang hindi ito dumikit sa pan.
*Idagdag ang asin, paminta at whipping cream. Haluin ito ng 15 minuto. Pagkatapos kainin na.



Disclaimer: OFW Buddy and its article may contain general information relating to various medical conditions and their treatment. Such information is provided for informational purposes only and is not meant to be a substitue for advice provided by a doctor or other qualified health care professional. Patients should not use the information contained herein for diagnosing a health or fitness problem or disease. Patienst shoudl always consult with a doctor or other health care professional for medical advice or information about diagnosis and treatment.
Share:

No comments:

Post a comment

Loading...

Blog Archive