General Information and Millennial Jobs for every Filipinos

Kaalaman tungkol sa bayabas bilang halamang gamot


Ang bayabas ay kilalang halaman lalo na dahil sa bunga nito na paborito ng karamihan sa atin.ginagamit ang ilang bahagi ng halamang ito lalo na ang dahon bilang gamot sa ilang mga karamdaman.

Ang iba't ibang bahagi ng halamang bayabas ay maaaring makuhanan ng maraming uri ng kemikal at sustansiya na maari may benepisyo sa ating katawan:
*Bunga - ay mayaman sa Vitamin C at nagtataglay din ito ng  glykosen, saccharose, protein, at iba pa.
*Ugat at Balat - ay parehong may taglay na mataas na lebel ng tannins.
*Dahon - ay mayroong alkaloids, anthocyanins, carotenoids, essential oils, fatty acids, lectins, phenols, saponins. Mayroon din itong b-sitosterol, maslinic acid, at flavonoids.

Maaaring gamitin bilang gamot ang ilang bahagi ng halaman tulad ng:
*Bulaklak. Ang bulaklak ay maaaring isama sa paglalaga ng ilang mga bahagi ng halaman.
*Bunga. Ang bunga ng bayabas ay maaaring kainin lamang o lutuin at isangkap sa ilang mga putahi.
*Ugat. Inilalaga ito kasama pa ang ibang bahagi ng halaman upang magamit bilang gamot.
*Balat ng kahoy. Pinapakuluan ang balat ng kahoy upang ipangmumog o ipanghugas.
*Dahon. Ang dahon ay maaaring ilaga at ipainom sa maysakit na parang tsaa. Maaari din nguyain  o dikdikin ang murang dahon at ipantapal sa sugat.

Ang mga sakit na maaaring magamot ng bayabas ay:
*Rayuma
Ang pagtatapal ng dinikdik na dahon ng bayabas sa apektadong bahagi ng katawan ay nakakabawas sa pananakit ng rayuma.
*Bagong Tuli
 Nginunguya ang dahon ng bayabas at tinapatal sa sugat ng bagong tuli.
*Hirap sa pagdumi.
Ang bunga ng bayabas na ginagawang jelly ay makakatulong sa hirap dumumi.
*Pagtatae
Ang dahon ng bayabas ay pinapakuluan at pinapainom sa taong nagtatae.

Ang halamang gamot ay maaaring makatulong sa ibat ibang karamdaman sa ating katawan. Subalit ang marami dito ay wala pang sapat na pag-aaral  at walang kasiguraduhan. Minsan ang iba ay hiyang at gumagaling sila ang iba naman ay hindi, kaya mabuting kumunsulta sa doktor para mabigyan ng agarang gamot.



Disclaimer: OFW Buddy and its article may contain general information relating to various medical conditions and their treatment. Such information is provided for informational purposes only and is not meant to be a substitue for advice provided by a doctor or other qualified health care professional. Patients should not use the information contained herein for diagnosing a health or fitness problem or disease. Patienst shoudl always consult with a doctor or other health care professional for medical advice or information about diagnosis and treatment.
Share:

No comments:

Post a comment

Join now in our TAIWAN Online Facebook Community

Join now in our TAIWAN Online Facebook Community
Click the picture to join the group

Join now in our JAPAN Online Facebook Group

Join now in our JAPAN Online Facebook Group
Click the image to join JAPAN HIRING GROUP
Loading...

Blog Archive