General Information and other helpful jobs

3 persons who escaped from isolation due to coronavirus was named by Taipei



Kahapon Pebrero 15, pinangalanan ng Taipei ang tatlong tao na tumakas di umano mula sa kanilang isolation period. Ayon sa Taiwan News ang nasabing mga tao ay may travel history sa Hongkong at China. 

Sa ngayon ay mayroon lamang 18 na kompirmadong kaso ng coronavirus sa Taiwan at wala pang naitalang  namatay.

Ang mga tumakas ay dalawang babaeng Taiwanese at isa pang lalaki na hindi pa alam kung saang bansa nanggaling. Dumating ito sa Taiwan mula China patungong Kinmen at nagkaroon ng travel history mula China at Hongkong ito ay ayon sa report ng CNA. Ngunit bigo ang Taipie Health Officials na makontak ang mga ito sa binigay nilang address sa Taipei. 

 Dahil dito ay napilitan ang gobyerno ng Taipei na ilabas ang kanilang mga pangalan. Sila ay kinilala na sina Chen Yi-fei, Tan Kuo-heng at si Chiang Chia-jung ito ay base sa ulat ng CNA.

Noong Sabado ay natagpuan si Tan, 52 na taong gulang at nakatira sa Ximending. Ayon sa kanya ay hindi raw siya umalis sa lugar simula pa noong Pebrero 8 ito ay ayon sa report ng Liberty Times.

Si Chiang naman ay inilarawan bilang Hong Kong citizen. Sabi ng staff ay nagkamali lamang si Chiang sa pagsusulat sa room number niya sa report at hindi ito umano umalis ng hotel mula ng nagcheck-in ito rito. 

Habang si Chen naman ay nawawala parin pagkatapos nitong sumakay ng ferry mula China papuntang Kinmen noong Pebrero 5  ngunit ito ay natagpuan noong Sabado ng gabi.

Ang tatlo ay dumating galing sa Hongkong at na tagpuan noong Biyernes pagkatapos nilang mawala ng halos isang linggo. Ang bawat isa sa kanila ay pinagmulta ng NT$70,000 (US$2,330)  at inilipat sa specially assigned quarters upang sumailalim sa medical isolation.

Share:

No comments:

Post a Comment

Loading...

Blog Archive