General Information and Millennial Jobs for every Filipinos

31 Kaohsiung Taxi driver faces risk for coronavirus after carrying Westerdam passengers



Pagkatapos pumutok ang balita na isang amerikanang pasahero mula sa cruise ship MS Westerdam ang na expose sa coronavirus ayon ito sa report ng Kaohsiung Department of Health noong linggo Pebrero 16. Nakiusap sila na kung sino man ang mga cab drivers na nagkaroon ng mga pasahero galing sa cruise ship ay lumantad na dahil ito sa banta ng coronavirus.

Noong Biyernes, Pebrero 14 - isang babaeng 83 na taong gulang na U. S. citizen na sakay ng barko ang nagpositibo sa coronavirus test. Ang nasabing babae ay nagmula sa Westerdam sa Cambodia at bumiyahe ito patungong Malaysia. Ang cruise liner ay masakay na 1,455 na pasahero at ang 802 naman ay crew members. Ito ay dumaong sa Kaohsiung Harbor noong Pebrero 4. Ang Kaohsiung Department of Health ay nakiusap na sa mga cab drivers na nagkaroon ng mga pasahero mula sa cruise ship na lumantad na at sumailalim sila sa disease investigation survey.

Ayon sa ulat ng CNA, sinabi ni Cheng Yung-hsiang ang director ng
Kaohsiung Transportation Bureau na mayroon 31 na taxi ang di umano ang nagawi roon sa araw na iyon. Dagdag pa niya,
nakikipag-ugnayan na sila sa Kaohsiung Port upang suriin mabuti ang surveillance camera sa araw na iyon.

Sinabi rin Pan Chao-ying isang specialist sa city's Department of Health na dumaong ang barko noong Pebrero 4 na kung saan ang Centers for Desease Control ay naroon upang magsagawa ng screening sa lahat ng pasahero bago sila payagan na makababa ng barko. Sa ngayon ay ginagawa na nila ang lahat upang mahanap ang mga nasabing taxi drivers.

Nanawagan si Pan sa mga taxi drivers na nag pick up ng mga pasahero sa barko na maari silang makipag-ugnayan sa Department of Health o sa Transportation Bureau upang sumailalim sa disease investigation at magmakapagquarantine na rin.

Sa ngayon ay gumagawa na sila ng paraan upang ma trace ang mga lugar na pinuntahan ng mga pasahero na sakay ng barko upang magsagawa ng disinfectant at kung sinu-sino ang kanilang mga nakasalamuhang mga tao para sumailalim ang mga ito sa quarantine.

Pinangangambahan nila ang kalagayan ng mga cab drivers ngayon pagkatapos na magpositibo sa coronavirus ang isang 61 taong gulang na cab driver na nakatira sa central Taiwan noong Linggo. Ang sinasabing cab driver ay nagkaroon ng maraming pasahero na bumiyahe at galing sa China, Taiwan at Macau.


Source: Taiwan News
Share:

No comments:

Post a comment

Labels

Loading...

Blog archive