General Information and Millennial Jobs for every Filipinos

36 Chinese Nacionals denied entry to Philippines due to temporary travel ban


Metro Manila(CNN Philippines, Pebrero 8)- Ang mga 36 Chinese Nacionals ay hindi hinayaang makapasok sa Pilipinas ng Bureau of Immigration(BI). Bagamat galing silang Macau, dahil sa ipinagbabawal na makapasok ang mga Chinese dulot nang nakakahawang wuhan virus sila ay hindi pinayagang makapasok.

Naharang ang mga dayuhan, sa Ninoy Aquino International Airport pagdating nila noong Biyernes galing Phnom Penh, Cambodia. Ayon kay Chief Grifton Medina BI division operation, kinakailangang magsagawa muna nang quarantine upang makasigurado sa kanilang kalusugan bago magpa-book ng flight at magtungo sa kanilang mga destinasyon.

Dahil sa temporary ban hindi muna hinahayaan makapasok dito ang bansang pinagmulan ng Wuhan virus sapagkat ito ay madaling makahawa, simula noong makalipas ang labing-apat na araw.

Samantala,hindi naman kasali ang mga Pilipino na residente ng Pilipinas at may permanenteng visa, ngunit sasailalim pa rin sa 14 araw quarantine.Hinihiling din ng DOH , na isama na din ang mga bansang may mga kaso na ng nahawaan ng nCoV 2019.

Bawat pasahero ay hinihiling na pirmahan ang arrival cards at pirmahan ang buong detalye upang magkaroon ng trace ang mga awtoridad, kung may kinakailangang tulong pangkalusugan at mga pulisya kung may maging positibo man sa Wuhan virus. Ganon din sa mga Pilipino, upang malaman din kung kelan umalis ng bansa, ayon sa bureau.

Kinakailangan ding i-check ng immigration , kung ang mga dayuhang turista ay bumisita sa China, Hongkong at Macau. Maging ang visa extension ay may mga restriction, dagdag ni Morente.

Ayon sa kanya, nagsasagawa sila ng masinsinang pagsusuri sa mga pasahero para sa seguridad ng lahat. Maging ang mga Airlines at Ships , ay sinabihan na kailangan bantayan ang lahat ng naka-ban na bansa, lahat ng lalabag ay may akmang kaparusahan.

Sa  buong mundo mayroon nang mahigit 700 ang namamatay dahil sa virus na mas maraming naiulat sa China at mayroon na ding 34,400 ang may sintomas ng virus.



Source: CNN Philippines
Share:

No comments:

Post a comment

Loading...

Blog Archive