General Information and Millennial Jobs for every Filipinos

A 29-year-old woman died because of H1N1 flu virus infection



Sa Taiwan, habang ang mundo ay patuloy na nakikipaglaban laban sa nakakamatay na Wuhan coronavirus (COVID-19), siyam naman katao ang namatay sa Taiwan noong nakaraang linggo dahil sa H1N1 flu virus kabilang dito ang 29 years old  na babae na namatay 10 araw matapos maranasan ang kanyang impeksyon.

Sa press briefing na isinagawa nitong Martes (Feb. 25) sinabi ng Taiwan's Center for Disease Control (CDC) na nasa 52,135 na pasyente ang naitala na nagpakunsulta sa mga ospital at klinika na may mga sintomas na tulad ng trangkaso o lagnat. Nasa 14.7% ang ibinaba ng bilang pagbaba kumpara noong nakaraang linggo. Ang kabuuang bilang ng impeksyon ay ang pinakamababa din kumpara sa huling limang taon.  

Sa ulat ng ETtoday, tungkol sa siyam na katao na nawalan ng buhay dahil sa H1N1 virus, sinabi ni Lin Yung-chin isang CDC physician, na ang batang pasyente na nasa edad 29 ay nagdusa mula sa pagkakaroon ng diabetes at hypertension bago ito dapuan ng trangkaso. Aniya, ang babae ay hindi nakatanggap ng flu vaccine na nagsimulang magkaroon ng lagnat sa unang buwan at nawala ang pag function ng kanyang liver sa kalagitnaan dahil sa kanyang pagpapagamot sa Intensive Care Unit.

Sa ulat naman ng Liberty Times, sinabi ni Lin na ang mabilis na pagbabago sa temperatura na nararanasan ng Taiwan ang isa sa dahilan kung bakit mabilis kumalat ang sakit. Kaya iminumungkahi niya sa mga tao na panatilihin ang  pagkakaroon ng kanilang sariling kalinisan sa trabaho at sa bahay.  Hinimok niya ang publiko na hugasan mabuti ang kanilang mga kamay at umiwas sa mga crowded places bilang mga paraan para maiwasan ang H1N1 flu at ang COVID-19 virus.

Source: Taiwan News
Share:

No comments:

Post a comment

Labels

Loading...

Blog archive