General Information and Millennial Jobs for every Filipinos

A Domestic Helper in Hong Kong was rushed to Wales Hospital due signs of 2019-nCov



Hongkong (Pebrero 14, 2020) - Isang foreign domestic helper ang di umano isinugod sa Wales Hospital matapos magpakita ng mga sintomas ng 2019 Novel-coronavirus. Sa kasalukuyan ay mayroon na 53 na kaso ng coronavirus sa boung Hongkong.

Ayon sa Centre for Health Protection (CHP) ang nasabing domestic helper ay nagtratrabaho sa isang 42 taong gulang na lalaki na nagpositibo sa coronavirus. Ang nasabing employer na nakatira sa Plazo in Fo Tan ay bumiyahe di umano papuntang Hubei, China kung saan sumakay siya sa Shenzhen Bao'an International Airport noong January 22.

Ang nasabing employer ay bumiyahe rin papuntang Guangzhou at Macau noong January 26 at bumalik naman ito sa Hongkong noong Pebrero 2 via Ferry. Pagkatapos ng kanyang mga biyahe, ilang araw lang ay nagpakita na ito ng sintomas sa viral na sakit ngayon na coronavirus. Ang lalaki ay wala raw record ng kahit anong sakit ayon sa Wales Hospital ng Sha Tin kung nasaan sa kasalukuyan dinala ang foreign domestic helper.

Ang kaibigan ng domestic helper na nakatira sa kanya ay sumailalim na sa quarantine bagamat hindi ito nagpakita ng kahit anong sintomas.

Ayon sa Philippine Consul General Raly Tejeda sa kasalukuyan ay kanila pang i-verify kung ano ang nationality ng naturang domestic helper.

Dahil sa coronavirus nagkaroon na ng dalawang pinay ang sumailalim sa quarantine dahil nagpositibo sa nCoV ang kanilang employer. Ang isa sa dalawang pinay ay pinayagan ng makauwi noong Pebrero 7.

Source: Hongkong News

Share:

No comments:

Post a comment

Labels

Loading...

Blog archive