General Information and other helpful jobs

Pinay DH in Hong Kong was found dead in her quarter



Hongkong (February 12, 2020) - Natagpuan ang isang walang buhay na Pinay domestic helper sa bahay ng kanyang amo sa Yuen Long. Ayon sa paunang imbestigasyon lumalabas na ito ay nagpakamatay.

Nang Pebrero 2 sakto 9:20 ng umaga ng makatanggap ang mga owtoridad ng report galing sa isang babae na 58 taong gulang (ang employer ng pinay) ayon sa kanyang report nakita niya ang kanyang DH na patay sa loob ng kanyang kwarto. At sa pahayag naman ng mga pulis posibling nagpakamatay ang Pinay.

Dagdag pa ng mga pulis hindi umano nag iwan ng suicide note ang pinay at wala rin kahinahinalang pangyayari upang ang kaso ay hindi maituring na suicide.

Naglabas ng pahayag ang tagapagsalita ng mga pulis noong Pebrero 10, ayon sa kanila sasailalim ang labi ng Pinay sa post-mortem examination.

Ang Pinay domestic helper ay 32 na taong gulang at nagtratrabaho sa 11 Shap Pat Heung Road.

Naglabas ng pahayag si Consul Paul Sarit, ayon sa kanya kinausap na niya ang pamilya ng Pinay at sinabi rin niya na repatriation option is presented to the family bilang pag-sunod sa protocol at hindi nalang i-cremate ang labi ng pinay DH kung hindi naman ito hihilingin ng kanyang mga kaanak.

Lahat ng OFWs sa Hongkong na nangangailangan ng tulong ay maaaring tumawag sa Philippine Consulate General at 9155-4023 at para naman sa Philippine Overseas Labor Office (POLO) ay maaaring tumawag sa 5529-1880 o di kaya naman sa POLO-Overseas Workers Welfare Administration sa 6345-9394.

Share:

1 comment:

Loading...

Blog Archive