General Information and Millennial Jobs for every Filipinos

Pinoy who visited Festival Mall brought to the hospital after showing flu-like symptoms



Manila, Philippines - Isang Pilipino ang humanap ng isang clinic sa Festival Mall sa Muntinlupa City for medical attention, ngunit ito ay dinala sa ospital matapos na makitaan ng sintomas gaya ng trangkaso, at para na rin sa kaligtasan laban sa kumakalat na 2019 novel coronavirus.

Ayon sa Festival Mall, sinabi nito na ang pasyente ay nagpakita ng mga sintomas gaya ng trangkaso noong ito ay nagpa-check up sa Healthway Medical nitong Huwebes kung kaya ito ay dinala nila agad sa Research Institute for Tropical Medicine sa Muntinlupa.

Sinabi din ng mall, na sinisigurado nila na nagsasagawa sila ng mga pag-iingat na hakbang upang matiyak ang kaligtasan ng kanilang mga customers, kasosyo sa negosyo at mga empleyado.

Nang dahil sa nangyaring insidente, nakipag-coordinate na rin ang Festival Mall sa Muntinlupa City Health Office. At nilinaw nito na patuloy pa rin ang pagpapatakbo ng mall.

Naglagay na rin ng mga alcohol stations at purifiers ang mga mall at iba pang mga establisimiyento para sa mga hakbang upang labanan ang pagkalat ng novel coronavirus na unang nakumpirma sa Pilipinas noong nakaraang linggo.

Ayon sa mga awtoridad sinabi nito nung friday na nasa 630 katao na ang namamatay dahil sa novel coronavirus at nasa 30,000 people na ang nahawaan nito sa buong mundo sa loob lamang nitong linggo.
Share:

No comments:

Post a comment

Loading...

Blog Archive