General Information and other helpful jobs

Pinay domestic helper in Hong Kong released after ncoV quarantine




Ngayong Biyernes. (Feb. 7), kasalukuyang nakalabas na ang unang Pinay domestic helper na na-quarantined sa Hongkong ng dahil sa kumakalat na takot sa novel coronavirus, ito ay ayon sa sinabi ng Philippine Consolate General.

Ayon kay Consul General Raly Tejada,ang unang Filipina domestic helper na na-quarantined ay binigyan ng isang malinis na palatuntunan ng kalusugan at pinayagan ng palabasin ng Health Department. Dagdag pa niya na nakabalik na ang Filipina sa kanyang mga employer na kung saan ito ay na-sanitized na ng health authorities

Ang nasabing domestic helper ay kinuha upang sumailalim sa dalawang linggo or 14 days na pag-quarantine simula Jan. 25. Kinuha siya ng mga awtoridad matapos maging positibo ang kHz magulang ng kanyang employer sa 2019-nCoV. Ang domestic helper ay dinala sa Lady MacLehose Holiday Village sa Sai Kung.

Nagpunta sa Hongkong ang mga magulang ng employer ng domestic helper sa biyahe ng Guangzhou-Shenzhen ng Hongkong Express Rail Link noong January 22 ng gabi, bago ang oras na papunta sa Wuhan ang siyudad sa Central China at inilagay sa isang lockdown. Ang edad ng mga magulang ng nasabing employer ay nasa 62 taong gulang ang ina at 63 taong gulang ang ama. Ang mga ito ay na-admit ng magkahiwalay sa Ospital ng Prince of Wales pagkatapos na magkaroon ng lagnat ang babae at ubo naman ang kanyang asawa nang sumunod na araw.

Ayon kay Tejada, ang ikalawang Pinay domestic helper na na-quarantine, sa kabilang banda ay nanatiling asymtomatic.

Kailangang mai-quarantine ang ikalawang Pinay domestic helper dahil ang kanyang 72 year old na amo ay naging positibo sa 2019-nCoV kahit na hindi ito pumunta sa mainland China. Nakatira ang mga ito sa Block 1, Site 11, Whampoa Garden. Sa ngayon, nailipat na sa Princess Margaret Hospital ang employer ng domestic helper.



Share:

No comments:

Post a Comment

Loading...

Blog Archive