General Information and other helpful jobs

All passengers of SuperStar Aquarius cruise ship liner on Taiwan confirmed negative from coronavirus


Taipei - Noong Saturday (Feb. 8) pinangunahan ng Taiwan's Minister of Health and Welfare na si Chen Shih-chung ang isang medical screening ng isang cruise ship liner na SuperStar Aquarius na nakadaong sa Keelung.  

Sumakay sa SuperStar Aquarius sina Chen at ang 25 medical workers upang kuhanan ng temperatures ang lahat ng pasahero na may kabuuang bilang na 1,738. Sa pamamagitan ng intercom, binati ng health minister ang mga pasahero para sa pagdating nito sa bahay at hinikayat niya ang mga ito na manatiling kalmado sa gagawing pagsusuri ng kalusugan 

Sa isang press conference na isinagawa nitong Sabado ng hapon, inihayag ni Chen na walang mga pasahero ang nagpakita ng mga sintomas ng lagnat ngunit ang tiyak na resulta ng mga pagsusuri ay ilalabas sa ibang pagkakataon. Ayon sa kanya, ang kumpletong proseso sa pagsusuri ay aabutin ng halos anim na oras. Ang mga travel history ng mga pasahero ay kailangan din na ma-icheck. 

Sa ulat ng Liberty Times, binigyang diin ng Health Minister na si Chen na walang mga pasahero na kahit anuman ang kanilang nasyonalidad ang papayag na umalis kung sila ay makikitaan sa pagsusuri na positibo sa coronavirus. Binigyang diin din niya na ang lahat ng mga medical staff ay gumagawa ng labis na pag-iingat na pamamaraan upang masiguro ang kalusugan ng mga tao.

Sa kabila ng desisyon ng Taiwanese government na pagbawalan ang lahat ng mga international cruise liner na dumaong sa bansa mula noong Huwebes (Feb. 6) dahil sa takot sa Wuhan coronavirus, ang cruise ship liner na SuperStar Aquarius ay binigyan ng espesyal na pahintulot na huminto sa Keelung port dahil ang 90 porsyento na pasahero nito ay mga Taiwanese. Ang exemption na ito ay nakatawag ng pansin mula sa mamamayan ng Taiwan matapos na ang 61 pasahero nito na mula sa Diamond Princess cruise liner na huminto sa Keelung port noong Jan. 31 ay nakumpirmang positibo sa coronavirus.

Bandang alas-9 ng gabi ngayong Sabado, inihayag na ang lahat ng mga pasahero ng SuperStar Aquarius ay nag-resulta ng negatibo sa pagsusuri para sa nakamamatay na coronavirus. Sinabi ni Chen na ang mga Taiwanese na nakasakay sa  cruise ship ay malinaw na pinabalik na ng kanilang bahay pero ang pag-momonitor sa kanilang kalusugan ay patuloy pa  rin na isasagawa at susundin ng mga ito ang 14 na araw na quarantine rule sa bahay.       


Source: Taiwan News
Share:

No comments:

Post a comment

Loading...

Blog Archive