General Information and Millennial Jobs for every Filipinos

An OFW dies in Dubai due to coronavirus


Kinumpirma ni Labor Secretary Silvestre Bello III na mayroong isang Pinay na nasa edad 58 taong gulang at nagtatrabaho bilang isang domestic helper sa Dubai ang nawalan ng buhay dahil sa hinihinalang coronavirus.

Dahil sa nangyari, ang pamilya ng OFW na namatay ay humihingi ng tulong na maiuwi ang labi ng kanilang mahal sa buhay sa Pilipinas dahil ang mga labi nito sa Dubai ay kasalukuyan na naka-set para sa isang cremation, ayon kay Bello.

Sinabi pa niya na ang babaeng namatay ay kasalukuyang nagtatrabaho bilang isang domestic helper sa loob ng dalawampu't walong taon na lumipas at wala ito kahit na anumang problema pagdating sa kalusugan.

Sinabi ng Labor Chief na ang pangalawang death report na ibinigay kay Bello ng isang labor attache na mula sa Dubai na ito ay dahil sa "coronavirus", ngunit nilinaw nito na hindi binabanggit sa kategorya kung ito ang nakakatakot at nakakamatay na novel coronavirus.

Ang nakalagay lamang sa report ay coronavirus at hindi niya nakita ang 2019-nCov at basta lamang namatay nang walang problema o sakit ang OFW. At ang sabi pa nito na ang unang report na binigay sa kanya noong Feb. 1 ay dahil sa respiratory illness ang cause ng pagkamatay at pagdating ng Feb 2 ang nakalagay na sa second report ay coronavirus.

Aniya, sa ngayon ay naghihintay sila ng karagdagang resulta ng impormasyon mula sa pagsisiyasat na manggagaling sa Dubai. Samantala, binigyang diin naman ng labor chief na hindi nagpupunta ang OFW sa China o kahit man lang ang makisalamuha sa mga taong posibleng na-infect ng novel coronavirus.

Samantala, sumalungat ang Ministry of Health and Prevention sa nasabing report dahil nais nilang ipaalam sa lahat na ang United Arab Emirates ay walang naitala na kahit anuman tungkol sa pagkamatay ng dahil sa kumakalat na new coronavirus o 2019-nCoV.

Sa pahayag ng MoHAP sa mga reporters sinabi nito na ang lahat ng kaso na nakarehistro sa bansa ay opisyal na inihahayag sa lahat na nasa mabuting kalagayan ang kalusugan at walang katotohanan ang kumakalat na balita.

Ang Coronaviruses ay isang malaking pamilya ng virus na nagbibigay ng sakit mula sa karaniwang sipon hanggang sa mas malubhang sakit nito, ito ang sinabi ng World Health Organization. Kabilang sa nasabing sakit ay ang Middle East Respiratory Syndrome (MERS-CoV); Severe Acute Respiratory Syndrome (SARS-CoV); at ang pinakabagong sumiklab na nagmula sa Wuhan, China ang Novel Coronavirus (2019-nCoV).


Share:

No comments:

Post a comment

Loading...

Blog Archive