General Information and Millennial Jobs for every Filipinos

Another patient in Taiwan get well from coronavirus will be discharged soon


Inihayag ng CECC na ang isa pang pasyente sa Taiwan na gumaling mula sa novel coronavirus ay maaari nang makalabas ng hospital  ngayong linggo matapos na gawin ang dalawang magkasunod na pagsusuri na nagpakita na ito ay hindi nakakahawa.

Sa isang press briefing na isinagawa sa Taipei sinabi ni Health Minister na si Chen Shih-chung na pinuno ng CECC ang nasabing pasyente ay ang ika-sampu sa nakumpirmang kaso para sa novel coronavirus. Ngunit base sa pagsusuring isinagawa sa kanya, negatibo ang naging resulta nito laban sa coronavirus.

Ang pasyente ay isang Taiwanese businessman, last Jan. 12 bumalik ito sa Taiwan mula sa Chinese city of Wuhan. At pagsapit ng Jan. 22, nakaramdam na ito ng respiratory symptoms. Jan. 30, nakumpirmang kasunod niyang nahawaan ang kanyang asawa sa pagkakaroon ng coronavirus.

Ayon kay deputy director-general ng CDC at isang opisyal ng CECC na si Chuang Jen-hsiang sinabi nito na kapag ang pasyente ay dalawang beses ng sinuri at ang naging resulta ay negatibo, ibig sabihin lang nito na ang tao ay ipinapalagay na malaya sa nasabing virus.

Sinabi din ni Chuang na gayunpaman ang mga eksperto sa kalusugan ay kailangang kumuha ng isa pang pinakahuling assessment bago makalabas ang pasyente na kung saan maaaring mangyari ng mas maaga sa linggong ito.

Samantala, ayon sa report na iniulat ni Chen, ang negosyanteng Taiwanese ay kasama sa 477 katao na nakilala na isa  sa nakipag-ugnayan sa unang pitong katao sa Taiwan na nakumpirmang may coronavirus.

Ayon kay Chen, ang 475 na katao ay maliwanag na wala ng sintomas para sa virus at pwede na ulit makabalik sa kanilang normal na buhay. Samantalang ang dalawa sa kanila ay napasama bilang ika-18 na kaso na nakumpirma sa bansa.

Naiulat na ang China ay nagsasagawa ng tatlo hanggang apat na beses na pagsusuri bago nito palabasin ang pasyente, at nagtanong ang health minister na kung ang pagkuha ba ng back to back na pagsusuri sa Taiwan ay sapat para makumpirma na ang isang pasyente ay hindi na nakakahawa.

Aniya, ang Taiwan ay patuloy na susundin ang pagsasanay na nangangailangan ng dalawang magkasunod na negatibong pagsusuri at bibigyang diin na ang mga eksperto sa kalusugan ay magsasagawa ng final assessments bago palabasin ang isang pasyente.

Share:

No comments:

Post a comment

Join now in our TAIWAN Online Facebook Community

Join now in our TAIWAN Online Facebook Community
Click the picture to join the group

Join now in our JAPAN Online Facebook Group

Join now in our JAPAN Online Facebook Group
Click the image to join JAPAN HIRING GROUP
Loading...

Blog Archive