General Information and other helpful jobs

Another Pinoy worker in Hong Kong has committed a suicide



Isang Pinoy ang nagbigti sa isang gusali sa Hong Kong. Ayon sa paunang imbestigasyon nagbigti ang biktima gamit ang "wire"ang dahilan ng pagpapatiwakal ay "problema sa buhay pag-ibig." Itoy ayon sa Hong Kong Police.

Nangyari ang insidente noong Pebrero 23 sa isang gusali sa 214 Des Voeux Road Central, Hong Kong. Ang biktima ay nakilala sa ngalang Elmo C... 40 anyos.

Basi sa paunang imbestigasyon, ang asawa ng biktima na nasa edad 45 ang mismong nagreport sa mga awtoridad hinggil sa insidente bandang 7:48 linggo ng gabi.

Ayon sa mga Police na nag-imbistiga ay wala silang nakitang suicide note sa crime scene.

Paalala ng konsulada sa Hongkong, kapag may problema ay maaaring dumulog o tumawag sa Philippine Consulate General at 9155-4023, the Philippine Overseas Labor Office (POLO) at 5529-1880, or the POLO-Overseas Workers Welfare Administration at 6345-9324.

Share:

No comments:

Post a comment

Loading...

Blog Archive