General Information and Millennial Jobs for every Filipinos

Anti-Submarine Aircraft send by USAF to fly over Taiwan from Okinawa


Taipei-Taiwan (Pebrero 14, 2020) - Kahapon, isang A P-3C anti-submarine aircraft na nagmula sa United State Air Force ang nakita na lumilipad malapit sa Southern Taiwan matapos ang isang araw mula ng makita ang tatlong aircraft ng Chinese military na lumilipad malapit sa naturang lugar.

Huwebes ng umaga na lumipad ang P-3C mula sa Kadena Air Base ng Southern Japan papuntang southern Taiwan bago ito ulit bumalik sa base ayon sa facebook post ni legislator Wang Ting-yu basi sa report ng Liberty Times.

Ang nasabing paglipad ng P-3C ang bilang tugon di umano sa paglipad ng tatlong chinese warplane sa air space ng Taiwan noong Pebrero 10.

Miyerkules Pebrero 12 ang MC-130J Transport plane at dalawang B-52 Bombers naman ang dumaan sa Taiwan sa magkaibang routa.

Ayon sa report ng Liberty Times, ang nasabing paglipad ay kinumpirma mismo ng Ministry of National Defense ngunit hindi pa sila naglalabas ng pahayag tungkol sa sinabi ni Wang.

Source: Taiwan News

Share:

No comments:

Post a comment

Loading...

Blog Archive