General Information and other helpful jobs

Authorities has confirmed that passengers of Diamond Princess Cruise with Wuhan coronavirus had visited Taipei 101


Taipei - Sa isang press release na mula sa pinakamataas na gusali ng Taiwan sinabi nitong Sabado na ang mga pasahero ng cruiseship na Diamond Princess Cruise Liner na nag-positibo sa hindi bababa na 64 passengers para sa novel coronavirus ay bumisita sa Taipei 101 habang nakadaong ito sa bansang Taiwan noong January 31. Sa pagbisita ng mga ito sa nasabing gusali wala ni isa sa kanila ang nagpakita ng sintomas ng lagnat ng mga oras na iyon.

Kasalukuyang nasa ilalim ng quarantine ang cruise liner na Diamond Princess sa baybayin ng Yokohama Harbor sa Japan matapos masuri ang mga nakasakay na pasahero dito at nag-resulta ng positibo sa Wuhan virus.

Sa mahigit na 3,600 na pasahero at miyembro ng crew na sakay ng cruise, 64 sa kanila ang nakumpirmang nahawaan ng coronavirus as of this morning (Saturday) kasama dito ang isang babaeng Taiwanese na nasa 60 year old ang edad.

Noong ika-31 ng Enero, sa loob ng labing-isang oras na port call ng cruise liner sa hilagang daungan ng Keelung sa Taiwan, 34 na mga pasahero at dalawang tour guides ang bumisita sa viewing deck ng Taipei 101 sa pagitan ng 9 a.m hanggang 10:30 a.m, ayon ito sa sinabi ng namamahala sa building sa isang press release.

Hindi matukoy sa pahayag kung ang mga bisita ay kabilang sa mga passengers na nakumpirmang nagkaroon ng 2019-nCoV.

Sabi din sa pahayag, na sa mga oras na iyon ang mga pasaherong bisita ng Taipei 101 ay sinuri ang body temperature bago pumasok sa viewing deck gamit ang thermal imaging infrared cameras at infrared forehead thermometers at base sa ginawang monitoring walang lagnat ang isa man sa kanila. Maliban doon, lahat ng mga staff ng gusali ay nakasuot ng face mask para kung sakaling may posibilidad na kumalat ang virus mababawasan ito kung ang mga bisita ay nahawaan na ng mga oras na iyon.

Gayunpaman, bilang sagot  sa alerto na inilabas ng Central Epidemic Command Center (CECC) ng Taiwan nung friday tungkol sa panganib na dulot ng pagbisita ng mga pasahero ng cruise ship, hiniling ng Taipei 101 management na lahat ng mga bisita sa viewing deck nung panahon na iyon ay magsagawa ng self-management ng kanilang kalusugan hanggang Pebrero 14 at iwasan muna ang paglabas.

Pinayuhan din silang tumawag sa epidemic monitoring hotline 1922 upang humingi ng tulong kung sakaling sila ay magkaroon ng anumang kahina-hinalang sintomas.

Tiniyak din ng Taipei 101 management sa publiko na ang buong gusali ay pananatilihin ang mahusay na bentilasyon at pagdidisimpekta. Itinuro din nito na ang mahigit 40 piraso ng mga hand sanitizer ay nakalagay na sa entrance at exit point ng gusali. Mayroon ding malapit sa mga escalator at elevators para sa kaligtasan ng mga bisita.

Samantala, ang isa pang cruise ship ay ang SuperStar Aquarius na pumasok sa Keelung Harbour bago magtanghali ng Sabado sa kabila ng pagbabawal ng gobyerno ng Taiwan sa mga port call ng lahat ng mga international cruise liners para maiwasan ang pagkalat ng epidemya ng coronavirus sa isla.

Ayon kay Chen Shih-chung, isang health minister ng Taiwan sinabi niya na ang nasabing cruise ship ay hindi kasama sa ipinagbabawal dahil mahigit 90 porsyento na mga pasahero nito ay mga Taiwanese.

Mayroong kabuuang 1,738 na pasahero ang SuperStar Aquarius, batay ito sa public relations office ng kumpanya ng cruise ship. Nasa 1,709 ang Taiwanese passengers nito. Ang iba namang pasahero nito ay 18 na Pilipino, tig-tatlong Vietnamese at Malaysians, tig isa sa Korean, Indonesian, Myanmar, Singaporean at 1 mainland chinese na ang asawa ay Taiwanese.

Ayon sa port management authorities, ang mga tauhan ng Medical and Disease Prevention ay magsasagawa ng pagsusuri sa kalusugan para sa mga pasahero ng cruise ship bago ito payagan na umalis. Dagdag pa nito, inaasahan na umalis ang mga pasahero mula sa cruise ship bandang alas-singko ng hapon o kaya alas-sais ng hapon at  kumpleto ang customs clearance procedure bandang 8 p.m.

Sa mga oras na ito, naitala na ng Taiwan ang kabuuang 17 na kumpirmadong kaso ng 2019-nCoV. Ang pinakabago nito ay ang 20 taong gulang na lalaki na bumisita sa Italy noong Jan. 31 hanggang 31 kasama ang kanyang mga magulang na napag-alaman din na nahawaan ng virus dalawang araw bago nito, ito ang inihayag ng CECC ngayong araw.

Ayon din sa CECC, nagtatrabaho ang lalaki sa kanyang opisina buhat ng ito ay bumalik galing sa Italy, kung kaya't ang kanyang 11 katrabaho ay ini-request na sumailalim din sa self-quarantine sa bahay. At ang karagdagang contact tracing ay patuloy na isinasagawa.

Source: Focus Taiwan


Share:

No comments:

Post a Comment

Loading...

Blog Archive