General Information and other helpful jobs

Bansang Taiwan pansamantalang sinuspendi ang pagpapasok ng mga "Foreign Nationals" na manggagaling sa Mainland China

   
Dahil sa mabilis na pagdami ng kaso ng Wuhan coronavirus sa China, ang Bureau of Consular Affairs (BOCA) ng Taiwan ay naglabas noong Martes ng kauutasan tungkol sa mga dayuhan na manggagaling ng China sa mga nakalipas na dalawang Linggo ay hindi muna makakapasok sa bansang Taiwan simula sa  Biyernes (Pebrero 7,2020).
 
   Ayon kay BOCA Director-General Phoebe Yeh sa press conference na ginanap sa Central Epidemic Command Center noong Martes ng hapon, sinabi niya na ang mga flight transfer mula sa mga ports ng China, Hongkong at Macau ay hindi kasali sa Ban papasok ng Taiwan.

   Ang may mga valid residence permit na mga maggagaling sa China makaraan ang 14  na araw ay papahintulutang makapasok ng Taiwan ngunit isasailalim pa din sa 14 araw sa quarantine upang  masuri ang kalagayan nang kanilang  kalusugan kung sila ba ay positibo sa virus.

Ang mga gustong pumunta sa Taiwan ay puwede pa din silang makapag-apply ng Visa kung hindi naman sila bumisita sa China.

    Ang bagong pagpapatupad na ito ay upang mabigyan proteksyon ang mga mamayan ng Taiwan , dahil sa mabilis na pagkalat nang nCoV.

 Ang mga Taiwanese na may mga asawang Chinese na nasa Hongkong at Macao ay puwede pa din makapasok sa Taiwan.

     Sa ngayon, tinatayang mahigit 20,000 mga positibo Wuhan coronavirus at 425 ang nasawi.

Habang sa Hong Kong ay may isang kaso na ang namatay sanhi ang virus, kaya hinihiling  nila na isarado muna ang border mula sa China.

    
Share:

No comments:

Post a Comment

Loading...

Blog Archive