General Information and other helpful jobs

Bello apologizes to Dubai government after saying the pinay OFW died from coronavirus





Manila-Philippines (February 7, 2020) - Labor Secretary Silvestre Bello III humingi ng paumanhin sa gobyerno ng Dubai dahil sa kanyang pahayag na di umano'y namatay ang isang Pinay OFW sa Dubai dahil sa coronavirus.

Nitong Biyernes nilinaw sa isang pahayag ng Department of Labor and Employment (DOLE) na ang sanhi ng pagkamatay ni Amalia Collado Daproza ay hindi sanhi ng coronavirus. Ayon sa naturang pahayag, sinabi na ang Pinay OFW ay ng negatibo sa 2019 novel-coronavirus base sa ginawang pagsusuri sa kanya.

Noong Huwebes, pinahayag ni Bello na isang Pinay OFW ang namatay sa Dubai sanhi ng coronavirus ayon sa na unang impormasyon na kanyang natanggap. Ngunit hindi niya tinukoy sa kanyang pahayag kung anong uri ng coronavirus ang tumama sa pinay.

Ayon sa isang facebook post ng Dubai Government Media Office nitog Huwebes ng hapon, sinabi nila na ang pinay ay nag negatibo sa coronavirus pagkatapos nilang magsagawa ng test rito. Itinanggi ng gobyerno ng Dubai ang na unang pahayag ni Bello.

Ang ikinamatay ng Pinay OFW ay respiratory infection ayon sa mga isinagawang lab test sa kanya at hindi ang coronavirus.

Humingi na ng paumanhin si Bello sa gobyerno ng Dubai dahil sa kanyang na unang pahayag.


Share:

No comments:

Post a Comment

Loading...

Blog Archive