General Information and other helpful jobs

Bilang suporta ng UAE sa China, sikat na iconic building na Burj Khalifa pinailawan kasama ang iba pang iconic structues sa UAE




Nitong nakaraang Linggo ng gabi, ang sikat na building ng Dubai's Burj Khalifa ay sinindihan bilang pagpapakita ng suporta para sa mga Wuhan at Chinese communities sa buong mundo.

Ipinakita ang watawat ng China ng sindihan ang iconic building bilang pakikiisa sa Beijing sa paglaban nito sa bagong pagkalat ng coronavirus na sa ngayon ay sumira sa buhay ng hindi bababa sa 362 katao na nasa China.

Makikita ang salitang "Wuhan Jiayo" na nakalagay sa Dubai's Burj Khalifa na ang ibig sabihin ay "Wuhan, stay strong".

Sinindihan din ang ilaw ng iba pang mga iconic sites hanggang alas-12 ng hatinggabi. Kasama dito ang "Capital Gate" ng Abu Dhabi International Market, Emirates Palace Hotel at ang Sheikh Zayed Bridge sa Abu Dhabi, Abu Dhabi National Oil Company (ADNOC), Burj Al Arab at ang Sheikh Hazza bin Zayed Sports. 

Ayon sa ulat ng Emirates News Agency (WAM), ang pangunguna ay magmumula  sa loob ng balangkas ng isang matibay na pagkakaisa na ipinapakita ng UAE sa pamumuno ni Pangulong His Highness Sheikh Khalifa bin Zayed Al Nahyan pati na rin ang matatag na pamamaraan ng pagkatao ng UAE at ang pagpayag nitong magbigay ng lahat ng paraan ng suporta sa palakaibigang mga tao ng Republika ng Tsina na manalo sa labanan laban sa coronavirus.

Sa pahayag ng UAE, kinumpirma nito na nagtitiwala sila sa kakayahan ng China na malampasan ang pinagdadaanan na krisis na labanan ang pagkalat ng coronavirus at ang kanilang buong pagkakaisa para sa palakaibigang Republika ng Tsina at sa lahat ng mga tao naging sangkot sa kalagayan na ito.



Share:

No comments:

Post a Comment

Loading...

Blog Archive