General Information and other helpful jobs

Brave 5 to assist for the repatriation of OFW's from Hubei China



Manila-Philippines (February 9, 2020) - Itinuturing ni Health Under Secretary Gerardo Bayugo na "The Brave 5" ang lilipad na medical team papuntang Hubei China upang tumulong sa paglilikas ng mga OFWs doon kung saan nagsimula ang coronavirus.

Ang The Brave 5 ay binubuo ng dalawang nurse na sina Jay Juan at Rowell Divinagracia, isang medical technician na si Elmer Collong at si Oliver Macalinao na isang doktor at ganun din ang isa pang doktor na nanggaling sa Bureau of Quarantine.

Mayroon man silang nararamdaman na kaba ngunit mas nananaig sa kanila ang matulungan ang ating mga kababayan na makauwi ng bansa.

Ayon kay Divinagracia, mas nananaig sa kanya ang pagiging Pilipino. Kahit ano mang piligro ang kahaharapin handa paring tumulong dahil ganun tayong mga Pilipino.
Dagdag din ni Collong na hindi nila basta-bastang pwedeng baliwalain ang kagustuhan ng mga pinoy sa Hubei na gusto ng makauwi ng bansa upang makasama ang kani-kanilang pamilya.
Ayon ky Juan, isang karangalan ang makatulong sa kapwa natin lalo na sa isang malaking health emergency na nagkalat na sa iba't-ibang bansa. Dagdag pa niya, kung nasa puso mo talaga ang pagtulong lagi kang handa sa pwedeng mangyari.
Ang set up sa pagsakay ng eroplano ay ang Brave 5 ang nasa harap na upuan habang ang 45 OFWs naman ay sa bandang gitnang uupo.
Sa pahayag ni Macalinao ay magiging bakante ang huling limang hilera upuan ng eroplano upang doon mananatili ang magpapakita ng sintomas ng coronavirus habang bumibiyahe pabalik ng bansa.
Pagkalapag ng kanilang sinasakyan ay sasailalim ang mga pinoy sa screening ng Bureau of Quarantine. Pagkatapos nilang dumaan sa mga protocol ay dadalhin sila sa New Clark City upang doon ay sumailalim sa quarantine ng 14 na araw.
Inalmahan naman ng pamahalaan ng New Clark City ang paglabas ng bagong resolution na sa lugar nila dadalhin ang mga pinoy na kailangan e-quarantine.
Ayon sa kanilang acting mayor na si Roseller Rodriguez, hindi sila na abisuhan na doon dadalhin ang mga pinoy galing Hubei China.
Ngunit sinabi ng Health Regional Office na hindi naman basta-basta lang sila mahahawaan ng coronavirus kung wala naman magaganap na interaksyon sa pagitan ng mga tao doon at ng mga pinoy galing China. At sabi pa nila, na ang New Clark City lamang ang kompleto ang kagamitan at mas magiging komportabli ang titira rito.
Sinigurado ng Bases Conversion and Development Authority na magiging ligtas ang mga residente roon sa kabila ng pag-quarantine ng mga OFWs doon.
Ayon sa DOH plano nila na makipag-ugnayan sa acting mayor ng Capas upang masigurado ang kaligtasan ng mga residete roon. Sa ngayon, ang New Clark City ay naka-lockdown na.

Source:







Share:

No comments:

Post a comment

Loading...

Blog Archive