General Information and other helpful jobs

CAL, EVA Air and other three airlines cancelled their flights from Taiwan to Philippines



Taipei - Sinabi kahapon (Feb.11) ng China Airlines at Eva Airways na itinigil muna nila ang kanilang mga flights patungong Pilipinas matapos na i-extend ng gobyerno nito ang travel ban sa Taiwan ng dahil sa epidemyang coronavirus. Ang dalawang airlines na ito ang nangungunang carriers papunta ng Taiwan.

Ngayong Wednesday, inihayag ng China Airlines na kinansela nito ang flights CI701 at CI702 sa pagitan ng byaheng Taipei at Manila. At ang byaheng Kaohsiung at Manila para sa flight CI711 at CI712.

Ayon sa CAL, susubukan nitong mapanatili ang hindi bababa sa isang round trip flight na CI703 at CI704 sa pagitan ng byaheng mula  Taipei at Manila sa  isang araw at magsasagawa ng maayos na adjustments base sa mga bookings.

Samantala kinansela naman ng EVA ang flight BR277 at BR278 sa pagitan ng Taipei at Manila ngayong Miyerkules, habang ang ibang flights ng mga ito ay patuloy pa rin ang operasyon gaya ng dati.

Maaga pa lang kahapon, kinansela na ng tatlong airlines ng Pilipinas na nag-ooperate sa Taiwan ang kanilang mga flights sa pagitan ng dalawang bansa.

Mula Feb. 11 hanggang March 28, sinabi ng Philippine Air Asia na kinansela nila ang kanilang mga flights mula sa Taiwan papuntang Pilipinas upang suportahan ang pagsisikap ng Philippine government upang patnubayan ang mga panganib na dala ng 2019 novel coronavirus (2019-nCoV).

Ang dalawa pang airlines na Cebu Pacific at Philippine Airlines ay naghayag din na kinansela nila ang kanilang mga byahe sa pagitan ng dalawang bansa simula nung Tuesday hanggang sa mga karagdagang abiso.

Last Feb. 2 ipinagbawal ng gobyerno ng Pilipinas ang pagpasok ng sinuman na manggagaling mula sa Macau, Hongkong, China, Taiwan at ang mga taong may ibang nasyonalidad na nakarating sa alinman sa apat na nabanggit lugar sa loob ng 14 na araw bago ang pagdating, maliban sa mga Filipino citizens. Ang mga Filipino din ay pinagbawalan na magbyahe sa alinmang apat na lugar na nabanggit.

Noong Martes ng gabi nilinaw ng Philippines Civil Aeronautics Board na ang pagbabawal na kabilang ang Taiwan ay dahil sa alinsunod sa patakaran ng  one-China ng Manila.

Ayon sa Taiwan's Tourism Bureau nasa 540 na byaherong Taiwanese sa 21 mga tour groups ang kasalukuyang nasa Pilipinas.

According to Taiwan's Tourism Bureau, about 540 Taiwanese travelers in 21 tour groups are currently in the Philippines. Dagdag ng Bureau, ang mga booking ng iba pang Taiwanese tourist na nasa 1,680 ng 83 groups ay nahadlangan ng dahil sa travel ban. Ang mga booking number na tinukoy ay may bisa lamang hanggang sa Feb. 25.

As of Tuesday, nasa 18 na kaso na ng novel coronavirus ang nakumpirma sa bansang Taiwan habang tatlong kaso at isang namatay mula sa coronavirus ang naitala sa Pilipinas.

Ang labis na karamihan sa 43,000 mga kaso at higit sa 1,000 pagkamatay mula sa virus ay nangyari sa mainland China, kung saan nagsimula ang pagsiklab noong Disyembre

Ang pinakamaraming kaso na nasa 43,000 at mahigit sa 1,000 na namatay ng dahil sa novel coronavirus ay nangyari sa mainland China na kung saan ang epidemya ay nagsimula noong December.

Share:

No comments:

Post a Comment

Loading...

Blog Archive