General Information and other helpful jobs

Capas LGU finally approved the quarantine for OFWs in New Clark City


Pumayag na rin sa wakas ang pamahalaan ng Capas kahapon ng Sabado, Pebrero 8, na doon dalhin ang mga OFWs mula China para sumailalim sa quarantine.

Subalit sinabi ni acting mayor Butch Rodriguez na ang unang batch lang na repatriated OFWs ang kanilang pwedeng tanggapin ayon sa kanyang pahayag sa GMA News 24 Oras Weekend.

Ayon sa report, humingi ng mga face mask at alcohol ang Capas officials para sa mga malalapit na nakatira sa New Clark City. Sa una ay tinutulan ng Capas ang pagdala ng mga Pinoy OFWs sa New Clark City dahil sa banta ng kanilang kaligtasan dahil sa coronavirus.

Dagdag pa ni Rodriguez, kahit na ayaw nila na gawing quarantine facility ang Athlete Village ay wala silang magagawa.

Nitong Huwebes naglabas ng pahayag ang Health Secretary na si Francisco Duque III na ang mga OFWs na darating sa bansa galing Wuhan China ay dadalhin sa Athelete Village sa New Clark City upang sumailalim sa quarantine.

Ngayong Sabado, ayon sa pahayag ng Department of Foreign Affairs na 56 na individual na pati ang pitong asawa at apat na sanggol ang nagpakita na ng interest na sila ay mailikas na at makabalik na ng bansa.


Share:

No comments:

Post a Comment

Loading...

Blog Archive