General Information and Millennial Jobs for every Filipinos

CECC confirmed the 31st case for COVID-19 virus in Taiwan


Ayon sa Central Epidemic Command Center (CECC), sinabi nito kahapon ng Martes (Feb. 25), na isang 11 - taong gulang na batang lalaki  ang nakumpirma sa Taiwan na positive sa COVID - 19 coronavirus. Ayon sa talaan ito ang ika - 31 na kaso ng virus na kumalat sa Taiwan. Ang nasabing batang lalaki ay parte ng isang family cluster na nadapuan din ng virus at kabilang sa 27 -30 na kaso na naiulat sa Taiwan.

Sa isang press conference na dinaluhan ni Health Minister Chen Shi-chung, isinalaysay nito na ang batang lalaki ay nagpunta sa ospital noong Feb. 11 at 19 upang dumalaw sa kanyang lolo bago ang huling pagsusuri na ginawa noong linggo at kinumpirma ng Taiwan na ito ang ika-27 na kaso ng COVID-19. 

Ayon kay Chen, kahit na walang sintomas ang batang lalaki sinuri pa rin ito para sa virus noong Sunday kasunod ng pagsusuri kanyang lolo. Sa ngayon ang batang lalaki ay nasa ilalim ng medical quarantine.

Ayon sa ibinigay na timeline ng CECC ang octogenarian na lolo at ang kanyang panganay na anak na lalaki na nasa edad na 50 ay nag -resulta  noong Linggo na positibo sa COVID-19 na naging sanhi ng ika-27 at 28 na kaso ng nasabing bansa.

Nitong Lunes lamang  ang asawa at batang anak na lalaki ng lolo ay parehas na nagpositibo sa virus na nabilang sa ika- 29 at 30 na kaso, habang ang anak ng kanyang panganay ay nakumpirma ding positibo at nabilang ika-31 na kaso sa Taiwan.

Sa press conference, ang deputy director ng Taiwan's Center for Disease Control na si Chuang Jen-hsiang ay sinabi na ang batang lalaki ay kanilang sinuri bago bumalik ang mga istudyante sa kanilang klase mula sa winter vacation nitong Martes. Samakatuwid, wala dapat ikabahala na panganib ang mga kaklase ng batang lalaki na mayroon itong mahahawaan.

Gayunpaman, ang batang lalaki ay nag-aral sa cram school sa panahon ng bakasyon sa taglamig, at ang CECC ay kasalukuyang nagtatrabaho upang matukoy kung sino ang nakikipag-ugnay sa kanya, sinabi ni Chuang.

Ayon din kay Chuang, sa panahon ng winter vacation ang batang lalaki ay nag-aaral sa cram kung kaya't ang mga CECC ay kasalukuyang inaalam kung sino sino ang mga nakasalamuha ng nasabing bata. Dagdag aniya, kung ang mga CECC ay may natuklasan na nakasalamuha ng bata, kinakailangang suspendihin pansamantala ang klase na kanyang dinaluhan at ang mga istudyante sa  nasabing lugar ay kailangan nasa ilalim ng home quarantine.

Samantala, sinabi ni CDC Director General na si Chou Chih-hao na kahit na ang batang lalaki ang pinakabatang nag-positibo sa COVID-19 virus sa Taiwan sa kasalukuyan, ang proportion ng mga batang nahawaan ng virus sa pangkalahatan ay lumilitaw na sobrang mababa. 

As of Tuesday, nakilala ng CECC ang 580 people na nakasalamuha ng pamilya na nagpositibo sa COVID-19 virus.

Ayon sa CECC, mula sa nasabing grupo ang 122 na katao na sinuri para sa virus ay nag-resulta ng negative, ang 144 naman na sinuri din ay nakitaan ng apat na katao na nag-positibo sa nasabing virus habang ang 18 na katao ay patuloy pa rin na naghihintay ng resulta.

Ayon din sa CECC, sa 31 na kaso na nakumpirma ng Taiwan sa COVID-19 virus isang tao na ang namatay at lima na ang nakalabas sa hospital samantalang ang natitirang 25 ay nasa ilalim pa rin ng medical quarantine.
Sinabi din nito na ang dalawang kaso (24 and 27 cases) na kung saan kinasasangkutan ng isang babae na nasa 60's ang edad at ang nabanggit na lolo na nasa 80's ang edad ay malubhang nagdurusa sa sintomas ng COVID-19 virus.

Sinabi ng CECC na ang dalawang kaso na nabanggit ay hindi pa natutuklasan kung saan talaga nanggaling at anu ang pinagmulan ng impeksyon, kung ito ba ay nagmula sa tao na may history ng pagbyahe sa ibang bansa o kaya naman nakipagsalamuha ito sa isang tao na nakumpirmang mayroong virus.

Share:

No comments:

Post a comment

Labels

Loading...

Blog archive