General Information and Millennial Jobs for every Filipinos

CECC Taiwan has confirmed the 40th case of Corona Virus Disease in the country



Ang Central Epidemic Command Center (CECC) ng Taiwan ay muling naglabas ng panibagong ulat hinggil sa bilang ng kaso ng Corona Virus Disease. Ngayong araw ng Linggo, Marso 1, ay nadagdagan ng isa ang bilang ng may Corona Virus Disease sa bansa. Kaya sa ngayon ay may 40 na kabuuang bilang ng nahawaan sa Taiwan.

Ayon sa ulat ng CECC, ang ika-40 na pasyente sa Northern Taiwan ay isa sa mga pasahero mula sa Princess Diamond Cruise. Bumalik ito sa Taiwan mula sa Japan na walang anumang sintomas noong Pebrero 26. Base sa mga unang isinasagawang mga test.

Samantala noong Sabado ay nagtala ng 5 kaso ang bansa. Ang apat sa limang nahawaan ay nahawaan ng Indonesian Caregiver, tatlo dito ay Nurse at isang Custodian. Samantala, ang panglima ay isang Taiwanes na bumiyaheng Egypt at UEA.

Sa ngayon umabot na 40 ang kabuuang bilang ang nahawaan ng Corona Virus Disease sa Taiwan.

Source: TVBS
Share:

No comments:

Post a comment

Labels

Loading...

Blog archive