General Information and other helpful jobs

Chinese Coronavirus doctor's death trigger an anger to the government of China




Beijing-China (February 9, 2020) - Isang Chinese doktor ang namatay nitong Biyernes dahil sa sakit na coronavirus. Ang doktor na ito ang unang nagsabi sa gobyerno ng China na mayroong virus na kumakalat sa Hubei na kagaya ng SARs ngunit ang kanyang mga sinabi ay hindi pinagtoonan ng pansin sa halip ay ikinagalit pa ito ng pamahalaan.

Ang doktor ay kinilalang si Li Wenliang 34 na taong gulang. Sinabi ni President Xi Jinping sa US na ginagawa ng China ang lahat upang hindi na kumalat pa ang naturang virus.

Sa ngayon ay umabot na ng 31,211 ang kompirmadong kaso ng coronavirus sa China at nasa 637 na ang namamatay noong biyernes. Pinaalalahanan ng WHO Chief na si Tedros Adhanom Ghebreyesus na magkakaroon ng kakulangan sa supply ng gowns, mask at iba pang protective equipment.

Sa nakalipas na dalawang araw ay bumaba na ang bilang ng naitatalang may coronavirus ngunit muling nagbabala ang WHO na huwag maging kampante mas mainam parin na mag-ingat upang makaiwas sa sakit.

Habang pinuri naman ni President Donald Trump si Xi sa pag-uusap nila sa telephono kung saan sinabi ni Trump na ang China ay nagpapakita ng magandang disiplina sa pagtugon nito sa coronavirus.

Sinabi pa ni Trump sa kanyang Twitter account na unti-unting umiinit na ang panahon at umaasa sila na sa pagbabago ng temperatura ay hihina na ang virus. Dagdag pa niya, nakikipagtulungan sila sa China upang matugonan ang  nasabing problema.

Ang namatay na doktor na si Li ay isa lamang sa walong doktor na nagbigay ng babala tungkol sa coronavirus sa Wuhan City kung saan nagsimula ang naturang sakit ngunit sila ay binalaan ng mga pulis tungkol sa pagkakalat ng illegal at fake news sa Wuhan. 
Sa social media ni Li, binalaan niya ang lahat hingil sa bagong virus na maihahalintulad sa sakit na SARs noong 2002 hanggang 2003 na nagsimula rin sa China na kumitil sa buhay ng halos 800 na tao sa boung mundo. Subalit ang post na ito ay ikinagalit ng mga pulis. Inakusahan rin ang China sa pagtatago ng virus. 
Noong January 3 pwersahang pinapirma si Li sa isang sulat na nagsasabing na lumabag siya sa batas at dahil dito ay sasampahan siya ng kaso. 
At ngayong linggo lamang ng makita sa social media ang kanyang larawan habang nakaratay ito sa ospital habang hawak niya ang kanyang Chinese Identification Card. 
Sinabi sa twitter ng Ruling Communist Party's People's Daily na sila ay nagluluksa sa pagkamatay ni Li. Habang maraming social media users naman ang nagsabi na para sa kanila ay isang bayani si Li at sinisi nila ang mga owtoridad sa pagiging incompetence. 
Ayon sa pahayag sa kanyang social media account ni Hu Xijin, editor ng government - backed Global Times Tabloid, sinabi niya na ang mga officials ng Wuhan at Hubei ay dapat lamang Humingi ng pasensiya sa pumanaw na doktor na si Li at sa mga tao ng Hubei dahil sa hindi nila pagpansin sa mga sinabi ni Lin at halip ito ay kanila pang ikinagalit. 
Ang pagkamatay ni Li ay itinuturing na isang trahedya at ang pagsasawalang bahala ng pamahalaan ng China at pagtatago ng mahalagang inpormasyon ayon sa pahayag ni Nicholas Bequelin ang Southeast Asia Regional Director for Amnesty International. 
Dagdag pa niya, kailangan matuto ng China sa nangyari kay Li at dapat hindi nila ipagsawalang bahala lamang ang mahahalagang information lalo na kung tungkol ito sa epidemic. 
Source :
GMA Network.com

Share:

No comments:

Post a Comment

Loading...

Blog Archive