General Information and Millennial Jobs for every Filipinos

Coronavirus quarantine violaters in Taiwan will be imprisoned upto 2 years


Taipei-Taiwan (Pebrero 21, 2020) - Ayon sa "package of special measures" na i-sinumite ng Cabinet noong Huwebes Pebrero 20, nakapaloob dito na maaring makulong ang sino man na lalabag sa quarantine period ng coronavirus at mapapatunayan na makahawa sa iba ay magmumulta ng NT$2 million o US$65,950 o maaring makulong hanggang 2 taon.

Ang Taiwan ay mayroon ng naitalang 24 na kaso ng coronavirus at isa rito ay namatay. Noong Huwebes ay naglabas ng bagong listahan ang pamahalaan ng talaan mula sa subsidies to sanctions. At kasama rin dito ang pinakamatagal na pagkakakulong hanggang limang taon o pag mumulta hanggang NT$5 million para sa hoarding coronavirus prevention kagaya ng mask ito ay ayon sa report ng CNA.

At ang sino man na mapapatunayan na nagpapakalat ng maling impormasyon tungkol sa coronavirus ay pwedeng makuling hanggang 3 taon o magmulta ng NT$3 million.

Ang sino mang residente na lalabag sa coronavirus quarantine, halimbawa siya ay nahuli na nagsirigarily sa labas ng kanilang bahay siya mag mumulta ng hanggang NT$1 million. Kung sila naman ay pupunta sa matataong mga lugar at sumakay sa public transportation, sila ay maaaring magmulta hanggang NT$2 million o makulong hanggang 2 taon, ito ay ayon sa mga officials.

Ang i-sinumiting proposal ng Cabinet na subsidies at benefits na nagkakahalaga ng NT$60 billion ay kailangan pang maaprobahan ng Legislative ng Yuan at mananatili ito hanggang kataposan ng Hunyo 2021 ayon sa report ng CNA.

Source: Taiwan News
Share:

No comments:

Post a comment

Labels

Loading...

Blog archive