General Information and Millennial Jobs for every Filipinos

COVID-19 infection spread in Taiwan, rising to 34 cases due to two more confirmed


Sa Taiwan, Kahapon ng Byernes (Feb. 28) mayroong dalawang kaso na naman ng COVID-19 infection ang nakumpirma sa Taiwan, at ito ang nagbigay sa bansa ng kabuuang bilang na 34 na kaso para sa virus.

Nagbigay ng pahayag ang Health Minister na si Chen Shih-chung sa isang press conference nitong Biyernes ng hapon. Ayon sa kanyang sinabi ang ika- 33rd na kaso para sa coronavirus ay isang 30 year old na lalaki na mula sa northern Taiwan at naniniwala ito na dinapuan ng sakit ang lalaki mula sa Japan.

Ang lalaki ay bumiyahe sa Osaka, Japan noong Feb.17-22  kasama ang isang grupo na may bilang na 22, ayon ito sa Central Epidemic Command Center. Noong Feb. 25 nagsimulang ubuhin ang lalaki kung kaya ito ay nagpunta sa hospital para magpakuha ng test kinabukasan.

Pinanghahawakan ng command center na ang kaso ay malamang na na-import, kung kaya't sa ngayon sinusubaybayan na ang kalusugan ng pamilya ng pasyente, mga kaibigan, katrabaho, at ang iba pang kasama sa nasabing pangkat ng tour.

Ang ika-34 na kaso naman ay isang 50 year old na babae na mayroong diabetes at cardiovascular disease. Noong Feb. 14, na-ospital ang matandang babae dahil sa low blood pressure  at fatigue at nagsimula itong magkaroon ng sore throat, ubo at lagnat noong Feb. 21.

Noong Feb. 27, na diagnosed ng hospital ang babae na may pneumonia. At ngayong Friday nakumpirmang  infected na ito ng coronavirus. Dahil ang pasyente ay hindi nag-travel kamakailan lang, ang mga awtoridad ngayon ay iniimbistigahan kung saan nakuha ng babae ang sakit.

Itinaas ng Taiwan ang travel advisory para sa Japan sa isang "alert" noong nakaraang linggo, na humihiling sa mga may mga plano na bisitahin ang bansang Asyano na gumawa ng mahusay na pag-iingat. Sinusubaybayan ng command center ang epidemya sa Japan ngunit pinapanatili na ang mga pagkalat ng virus sa South  Korea at Italy ay mas nakakabahala, ito ay ayon kay Chen, na nagpapakita ng walang balak na itaas ang alert level sa ngayon.

Sa 34 na mga pasyente ng COVID-19, siyam dito ang pinalabas na mula sa ospital matapos na ito ay gumaling.  Idinagdag din ni Chen na ang bawat pasyente na ito ay dumaan sa tatlong mga pagsusuri bago sinabi ng mga medical experts  na sila ay naka-recover na.


Share:

No comments:

Post a comment

Labels

Loading...

Blog archive