General Information and Millennial Jobs for every Filipinos

Dahil sa nakakatakot na pagkalat ng Novel Coronavirus, nakaranas ang mga Pilipino ng diskriminasyon sa Italy


    Ilan sa mga kababyan nating nasa Italy ay nakaranas ng diskriminasyon dahil sa banta ng nakakatakot novel coronavirus, na pumatay na ng mahigit 500 Chinese sa China  at libo-libong nahawaan.

   Ayon sa report ni Pia Gonzales ng GMA sa unang balita Huwebes , ngasimula ang diskriminasyon sa Italy matapos makumpirma ang dalawang naging positibo sa virus.

   Isa sa kababayan natin na si Brandon Diaz, na kasalukuyang nasa Rome, ay inatake ng apat na kalalakihan matapos na mapagkamalang isa siyang Chinese.Ang 22-anyos na lalaki ay nagtamo ng bugbog  sa kanyang ulo at katawan. Inireport na din niya sa embassy ang nangyari.

   Si Nolasco Sta. Isabel na nainirahan sa Rome na mahigit 30  taon na, ay iniiwasan din ng mga tao sa publiko.

   Ayon sa  post sa Facebook ni Linda Reyes Gregorio, nang mawalang  ng kasamahan ay sinasabing sila ay kailangang idiskriminasyon, kahit ipinaliwanag na nilang sila ay hindi Chinese kundi Pilipino.

   Ang mag -asawang Chinese ang kauna-unahang kaso ng nCoV sa Italy. Ito ay itinuturing na malaking banta, sa Hospital ng Spallanzani,  na kung saan bihasa sa mga  inpeksyon at mga virus.

   Ang bilang ng mga positibo sa novel coronavirus sa China na ngmula sa Wuhan City , ay umabot na sa 28,018 buong bansa ngayong Pebrero 6,2020.
Bukod sa Europa, kumalat na din ang virus sa Rehiyon ng Asya Pasipiko , ganun din sa Amerika at Middle East.
Share:

No comments:

Post a comment

Loading...

Blog Archive