General Information and Millennial Jobs for every Filipinos

MOE: Two case of Corona Virus Disease will lead to school closure



Dahil sa coronavirus outbreak nangangamba pa rin ang mga paaralan sa Taiwan sa pagbubukas ng klase sa susunod na linggo. Nagpalabas na ng mahigpit na alituntunin ang Ministry of Education (MOE) tungkol sa mga estudyanteng na na-diagnose sa nasabing sakit.

Noong Huwebes Pebrero 20, naglabas ng pahayag ang MOE sa pahintulot narin ng Central Epidemic Command Center (CECC) tungkol sa mga alituntunin sa pagkansela ng klase. Ang alin mang paaralan na mapapatunayan na may kaso ng coronavirus ay isasara ng 14 na araw.

Para sa High Shool pababa:

Kung ang isang guro o estudyante ay nakalagay sa listahan ng mga kompirmadong may sakit na coronavirus, ang kanilang klasi ay agad na e-sususpende, ito ay ayon sa CECC. At kung ang one-third naman ng mga paaralan sa syudad ay ipinasara dahil sa virus, mapipilitan silang ipasara ang lahat ng paaralan dahil sa coronavirus.

Para naman sa mga paaralan ng kolehiyo at mga unibersidad:

Kung isa sa mga guro o istudyante ang nasa listahan ng mga may kompirmadong mayroong coronavirus, lahat ng korso na tinuturuan nila o di kaya ay mga klaseng pinupuntahan nila ay e-kakansela. Kung mahigit sa isang guro o istudyante naman ang tinamaan ng virus ang boung paaralan ay isususpende.

Ayon sa MOE ang lahat ng antas ng paaralan ay dadaan sa masusing pag-aaral base sa resulta ng imbestigasyon tungkol sa virus, bago nila masabi kung gaano kahaba at kalawak ang magiging suspensyon ng klase.

Source: Taiwan News
Share:

No comments:

Post a comment

Labels

Loading...

Blog archive