General Information and other helpful jobs

E-gates in Taiwan airport closed to foreigners starting today






Taipei-Taiwan (February 7, 2020) - Dahil sa coronavirus outbreak, Taiwan airport e-gates ay pansamantalang isinara para sa mga dayuhan.

Nito lamang Miyerkules naglabas ng pahayag ang National Immigration Agency (NIA) sa kanilang facebook page na nagsasabing pansamantala nilang isasara ang e-gate service para sa mga bibisitang mga dayuhan. Magsisimula ito ngayon araw mismo, February 7, 2020. Ang lahat na darating na mga dayuhan ay kailangang makipagkita muna sa isang immigration officer.

Ayon sa kanila ang pansamantalang pagpapasara sa e-gate services para sa mga dayuhan, ay makakatulong upang masuri ng mabuting ang bawat pasahero na darating ng bansa upang maiwasan ang pagkalat ng 2019 nCoV. Ang suspensyong ito ay para rin sa mga dayuhan na may hawak na Alien Residence Certificate (ARCs).

Ang immigration officer ay ang magiging responsable sa pag-iimbestiga ng mga darating na dayuhan kung sila ba ay bumiyahe sa China, Hongkong at Macau. Kung sino mang dayuhan ang nakapunta sa mga bansang ito ay hindi papayagan na makapasok ng Taiwan sa loob ng 14 na araw.

Naglabas ng pahayag ang Taiwan's Bureau of Consular Affairs (BOCA) noong Martes (February 4, 2020) na ang bumiyahe mula Chinese airport patungo Hongkong at Macau ang hindi kasali sa border control measures, ngunit ito ay nag-iba ng magtaas ng alert ang Central Epidemic Command Center sa dalawang bansa.

Papayagan parin ang mga dayuhan na mayroon ng valid residence permit sa Taiwan ngunit sila ay isasailalim sa 14 days quarantine upang masiguro ang kanilang kalagayan.

Ang bagong patakaran na ito ay naglalayon na mabawasan ang pagkalat ng coronavirus ayon sa pamunuan.

Huwebes, February 6, 2020 ng maglabas ng pahayag ang Mailand Affairs Council na pinagbabawalan ng makapasok ng bansa ang mga chinese nationals.



Share:

No comments:

Post a Comment

Loading...

Blog Archive