General Information and Millennial Jobs for every Filipinos

Magnitude 6.1 Earthquake struck again in Southern Mindanao


Muli na naman niyanig ng isang malakas na lindol ang southern Mindanao kahapon February 6, 2020. Nangyari ang lindol bandang 9:40 p.m kagabi at may lakas na nasa 6.1 magnitude. Kasunod din nito ang isang malakas na after shock, ayon ito sa Philippine Institute o Volcanology and Seismology (PHILVOCS)

Ayon sa Philvocs ang unang lindol na yumanig bandang 9:40 pm ay humigit -kumulang na 118 kilometro sa Southeast ng bayan ng Jose Abad Santos sa Davao Occidental na may lalim na 20 kilometro.

Ang lakas ng lindol na ito ay unang nasukat sa 6.4 magnitude bago iti mag-update sa 6.1 magnitude.

After na lumindol ng 6.1 magnitude sinundan ito ng aftershock na nasa 4.6 magnitude ang lakas. Nangyari ito limang minuto ang lumipas sa parehong bayan na may lalim naman na 3 kilometro.

Naramdaman ang Intensity IV sa bayan ng Glan, Sarangani; samantala Intensity III naman sa bayan ng Davao City, General Santos, at Alabel town sa Sarangani. Naramdaman naman sa Magsaysay town, Davao Del Sur ang Intensity II.

Ang mga lugar at bayan naman na nakaranas ng instrumental intensities sa panahon ng 6.4 magnitude na lindol ay ang mga sumusunod:

Intensity IV - Malungon town, Sarangani
Intensity III - Alabel town, Sarangani
Intensity II - Kiamba, Sarangani; Koronadal City and Tupi, South Cotabato; General Santos City
Intensity I - Kidapawan City

Ayon sa Philvocs, patuloy pa rin na inaasahan ang mga aftershocks.



Share:

No comments:

Post a comment

Loading...

Blog Archive