General Information and other helpful jobs

Filipino among new Wuhan Virus patients in UAE



Manila- Isang Filipino ang nahawaan ng novel coronavirus sa United Arab Emirates ayon sa news agency na Health Ministry.

Ayon sa ulat ng Emirates News Agency, isang Filipino at Chinese ang kumpirmadong positibo sa wuhan virus na may kabuuang 7 na mga indibidwal sa UAE.

Nakumpirma ang dalawang bagong pasyente simula ng magkaroon ng screening, at naobserbahan ang mga kondisyon nito.Dahil sa kinakitaan ng sintomas, binigyan ng kinakailangang lunas ang pasyente.Wala pang kumpletong detalye tungkol sa Pilipinong nahawaan.

Ang UAE of Ministry Health and Prevention ay patuloy pa rin sa pagbabantay sa mga maaring maging positibo sa virus simula ng naging laganap ito.

Nitong nakaraang Linggo isang babaeng Filipina domestic helper ang namatay sa Dubai dahil sa respiratory symptoms  ngunit hindi naman nag positibo sa wuhan virus.
Ganun din ang kaso noong Pebrero 5 , isang babae ang namatay dahil sa pneumonia at respiratory distress syndrome. Ngunit dahil sa atake kaya agad siyang binawian ng buhay.
Ayon sa pathological test,ang pinay  ay nag negatibo sa novel coronavirus.

Ngayong Sabado, ang novel coronavirus ay umabot na sa mahigit 700 katao ang namatay marami sa China at ang mga nahawaan ay  halos 35,000 katao na mula sa iba't- ibang bansa.

Halos lahat ng bansa ay nagkaroon na ng pansamantalang pagtigil na bumiyahe sa mga bansang apektado at pinagmulan ng sakit sa kadahilanang ang virus na ito ay mabilis kumalat.



Share:

No comments:

Post a Comment

Loading...

Blog Archive