General Information and other helpful jobs

Filipino Community in Taiwan and I-Mei Foods Company Workers asked the Philippine Government to lift the temporary travel ban


ctto

Taipei-Taiwan (Pebrero 14, 2020) - Mahigit 400 Pinoy na nagtratrabaho sa I-Mei Food Company ang nagpetisyon kay Pangulong Duterte na tanggalin na ang pansamantalang travel ban dahil sa coronavirus outbreak. Ito ay ayon sa report ng Abs-cbn noong Pebrero 13, 2020.

Ang nasabing sulat ay naglalaman ng pakiusap mula sa mga OFWs na payagan ng makalipad ng bansa patungo Taiwan ang may mga naiwan pang kontrata roon. Ayon sa kanila maraming mga pinoy ngayon ang nasa bakasyon at may kontrata pa na dapat balikan ngunit dahil sa pansamantalang travel ban naipinatupad ng gobyerno ng Pilipinas sila ay mahihirapan na makabalik sa Taiwan upang maipagpatuloy ang kanilang naiwan na trabaho.

Ayon sa pahayag ni Senior Adviser Jack Cheng ng I-Mei Food Company, ang kanilang mga empleyado ay puro mga Pilipino at wala di umanong ibang foreign nationals kaya naman ang pagpapatupad ng travel ban ay lubhang makakaapekto sa kanilang kompanya.

Ang naturang petition letter ay ibinigay sa Manila Economic and Cultural Office (MECO) sa Taiwan noong Huwebes. Ang sulat ay ibibigay di umano sa pamahalaan ng Pilipinas. Ang nasabing petisyon ay kinumpirma mismo ng MECO Chairman Angelito Bayano sa kanyang panayam sa Abs-cbn news.

Ayon kay Cheng, ang kaso ng naturang coronavirus outbreak sa Tiawan is under control kaya walang dapat ikabahala ang Pilipinas tungkol dito. Mas natutugonan raw nila ang problema sa virus kaysa sa ibang bansa na tinamaan nito. Dagdag pa niya meron lang ang Taiwan 18 na kumpirmadong kaso ng coronavirus at karamihan dito ay nakarecover na. 

Naglabas ng signed statement at video ang Filipino Community sa Taiwan kung saan sinabi nila na natatakot silang mawalan ng trabaho at maraming job opportunity ang pwedeng  mawala sa mga pinoy at possible na ibang lahi na lang ang mga e-hire ng mga kumpanya roon dahil sa travel ban na ipinatupad ng Pilipinas.

Ayon sa rappler, naglabas na rin ng pahayag ang Department of Labor. Sinabi ni Secretary Silvestre Bello III ninanais na rin nilang tanggalin ang travel ban sa Taiwan. Umaasa sila sa darating na mga araw ito ay maipapawalang bisa na.


Share:

No comments:

Post a Comment

Loading...

Blog Archive