General Information and Millennial Jobs for every Filipinos

Working permits can be extended if affected by travel ban



Taipei (Pebrero 12)- Dahil sa inanunsyong temporary travel ban na ipinatupad ng gobyerno ng Pilipinas noong Lunes, kung saan kasama na ang Taiwan sa Travel Ban. Minumungkahi ngayon ng Taiwan Labor ang lahat ng Employer sa Taiwan na kung maaari ay magre-apply ng Recruitment Extension para sa kanilang mga dayuhang manggagawa mula Pilipinas.


Dahil sa "One China Policy" na ipinatupad ng China at kinikilala ng International Community na ang Taiwan ay parte ng China kaya sinusunod ng Pilipinas kung ano ang naayon. tulad ng Hongkong, Macau kaya isinama sa travel ban. Lahat ng Chinese visitors ay temporary ban sa Pilipinas. Noong Pebrero 2, nilinaw ni Carmello Arcilla ng Executive Director of Philippine Civil Aeronautics Board, na hindi puwedeng pumasok ang mga galing China lalo na ang mga Chinese. Maliban sa mga Filipino na may permit visa at mamamayang Pilipino ngunit sasailalim pa din sa 14 na araw na quarantine.

Ayon naman kay Hsueh Chien-chung Chief ng Workplace Development Agency under Taiwan Ministry Labor
Ang pagbabago ng patakaran ay maaaring makaapekto sa migrant workers na galing Pilipinas. Dahil sa nakikitang posibilidad na maaaring kaharapin ng mga migrant workers na paalis na ay maaaring mag-expire ang kanilang visa kung hindi agad makakaalis.

Ang mga "Work permit" ay epektibo hanggang anim na buwan ngunit sa ngayon maaaring i-apply ulit sa panibagong tatlong buwan ang permit ayon kay Hsueh. Idinagdag pa niya, ang magbakasyon ay kailangan makabalik agad sa loob ng 30 days sa Taiwan. Ngunit, kung patuloy pa din ang travel ban ang employer ay maaring mag-apply ng re-entry permit sa MOL, kung nais pa ng worker na magpatuloy sa trabaho upang mahintay ang kaniyang pagbabalik hanggang sa maisaayos na ang lahat at wala ng travel ban.

Kung matatagalan pa ang travel ban na siyang makakaapekto sa pagbabalik trabaho sa employer maaari din nmn bawiin ang employment permit, at mag-apply ng panibagong trabahante.

Ayon sa Ministry, nasa 157,487 ang kabuuang bilang mg mga Pilipinong manggagawa sa Taiwan. Itinuturing ang Pilipinas na pangatlo sa pinakamaraming manggagawa sunod sa Indonesia at Vietnam.


Share:

No comments:

Post a comment

Loading...

Blog Archive