General Information and Millennial Jobs for every Filipinos

Five companies in Tainan started to give a "Leave of Absence" to their employees due to virus outbreak


Dahil sa Corona Virus Disease outbreak ay naapektuhan ang ekonomiya ng Taiwan at napilitang magpatupad ng "Leave of Absence" ang mga kompanya sa kanilang mga empleyado sa tatlong malalaking siyudad ng Taiwan.

Ang Labor Affairs Bureau ng Tainan City government ay naglabas ng pahayag sa press noong Miyerkules Pebrero 19, na limang kompanya sa kanilang siyudad ang nagpatupad ng "furlough" na nakaapekto sa 468 na empleyado dahil sa coronavirus outbreak. Ang mga kompanyang ito ay nasa negosyo ng textiles, machinery at iba pang industriya ayon sa Bureau.

Sinabi ng Tainan Labor Affairs Bureau head na si Wang Hsin-chi na ng matanggap nila ang kaso tungkol sa "furlough" ay agad silang nagpadala ng labor inspectors upang tingnan kung ang mga kompanya ay may mga nagtratrabahong foreign workers. Dagdag pa niya kung ang foreign workers at domestic workers ay kinuha para sa parehas na trabaho at sa mga domestic workers lang sila nagpatupad ng furlough dito ay may pananagutan sila sa Employment Service Act.

Sinabi rin ni Wang na ang desisyon sa "furlough" ay dapat napagkasunduan ng management at employees at ang furlough salary ay hindi dapat bumaba sa minimum wage na NT$23,800 (about US$780).


Source: Taiwan News

Share:

No comments:

Post a comment

Labels

Loading...

Blog archive