General Information and other helpful jobs

Hongkong to quarantine all passengers from mainland China


  Sinimulan na din sa Airport ng Hongkong ang pagkuha ng temperatura ng mga darating upang makasiguro na ligtas sa pagkahawa ng ncoV virus. Maging ang mga manggagaling sa mainland China ay patiuna ng magsasagawa ng 14 draw na quarantine upang makasiguro na ligtas ang mga pasahero, at hindi din makapanghawa sa publiko ng nakakamatay na virus na sa ngayon ay laganap.

  Gagawin din ng Hongkong ang bagong batas na ito upang makita ang pagbabago at para na din sa kaligtasan ng marami. Sa lahat ng lalabag sa batas na ito ay may kaparusahang anim na buwan sa bilangguan.

   Inaasahan na ang bagong aksyon na ito ay makakatulong upang maging ligtas mula sa virus na pumatay na nang mahigit 700 katao.
Ginawa ang bagong patakaran na ito upang maging epektibo at maging ligtas ang lahat.

   Ang mga taga-Hongkong na manggagaling China ay kinakailangang magsagawa ng 14 na araw  ng quarantine sa kanila  mismong tahanan.
At ang mga galing China  at iba  pang bansa ay sa mga hotel at accommodation na kanilang tutuluyan. Ngunit ang mga wala pang tutuluyan sila ay maaring magpunta sa inilaan ng gobyerno na mga pasilidad para sa quarantine.

   Dapat sundin ito ng lahat sapagkat maglalagay ang Hongkong ng mga volunteers of army, upang macheck at matawagan sila at siguraduhing sa loob ng 14  na araw sila ay hindi nakikihalubilo, ayon kay Security Minister John Lee.

  Marami ang nagmadali na makarating sa Hongkong bago maging epektibo  ang nasabing patakaran. Sa kabuuan 90  katao lang ang nakatawid at naipatupad na ang bagong patakaran.

  Dahil sa mabilis ng pagkalat ng sakit, hindi agad nakasisiguro kong sino ang mga apektado sa mga pumapasok sa bansang Hongkong.  Ngunit sa panibagong patakaran lahat ng mga   tao ay susuriin maging mga driver na nagdadala ng kalakal, ito ay para sa kaligtasan ng lahat.

   Noong nakaraan nagkaroon din ng panic buying ang mga tao.  Sa ngayon may 35 kaso na sa Hongkong at ang isa ay kamamatay lamang.

   Ang ilan sa bagong kaso, ay  hindi nanggaling sa China, kaya ito ay lalong naging malaking takot sa mga tao.  Halos, umabot na  sa 75 porsiyente ang lumipat sa Hongkong.



Source:

https://news.abs-cbn.com/overseas/02/08/20/hong-kong-starts-quarantine-for-mainland-china-arrivals

Share:

No comments:

Post a Comment

Loading...

Blog Archive