General Information and other helpful jobs

Isang Taiwanese na lalaki umakyat sa bubong na Train himalang nabuhay mula 25,000 volts


   Isang 21- anyos na lalaki ang nagtamo ng sunog sa kanyang katawan matapos umakyat sa bubong ng train sa Western Taiwan noong Lunes (Pebrero 3).

    Ganap ng 1:20 hapon, isang babaeng pasahero ng Taiwan Railways Administration (TRA) no.2190 ang nagsumbong na isang lalaki ang nagnanais mang-abuso sa kanya. Nang makita ito ng train conductor ay nagtangkang umatake ito bago napatahimik.

     Nang makarating sa Wuri Station Taichung, tumakbo ang biktima sa platform at umakyat sa bubong ng carriage no.7. Walang alintana ang kanyang katawan ay nasunog ng 25,000 voltage ng kuryente, na kung saan nagliyab ang kanyang suot na damit.

    Dahil sa nasusunog na ang kanyang suot, humihiyaw ito sa sakit, kaya hinubad niya  ang kanyang suot upang  makaginhawa sa sakit na naramdaman at tumalon na ito mula  sa ibabaw ng train.

    Mabilis na rumesponde ang mga firefighters , na nakahanda ang kanilang mga tatlong sasakyan at 12  mga tao na tutulong.  Sinimulan nilang gamitin ang fire extinguisher upang mapatay ang sunog  sa kanyang katawan at sa kabutihang palad siya ay may malay pa din.

    Agad siyang dinala  sa pinakamalapit na hospital upang  mabigyang lunas ang natamo niyang sunog sa katawan. Nagtamo ng second degree burn at halos 36% ng  kanyang katawan. Ang nangyaring aberya ay naagdulot ng traffic sa Wuri  at Taichung station.
Share:

No comments:

Post a comment

Loading...

Blog Archive