General Information and other helpful jobs

Pasyenteng may novel corona virus kalaboso matapos tumakas at makihalubilo sa ibang tao



Isang lalaking may novel coronavirus ang tumakas at nakihalubilo sa maraming tao noong nakaraang Linggo na kung saan naging dahilan na ma-quarantine ang mahigit 4,000 ka tao.

Siya ay residente ng Jinjiang City sa Fujian Province na ikinaila na siya ay nagmula sa Wuhan kung saan nagmula ang novel coronavirus, nagkunwari siyang kadarating lamang galing bakasyon sa Pilipinas kasama ang pamilya.

Imbes na magsagawa siya ng self-quarantine, naglibot sa buong siyudad at nakisalamuha sa lahat ng mga tao kung saan may okasyon. Sa kanyang online account, napag alamang siya ay dumalo sa handaan ng kasalan sa Dongshi Town at sa ancestral hall na pagdiriwang sa Yinglin Town noong nakaraang buwan na naging dahilan ng pagkalat ng virus. Ang 4,000 ka tao ay kailangang ma quarantine dahil ang pito sa kanila ay nag positibo na sa novel coronavirus.

Ang kabuuang tao na nasa Ancestral hall na pagtitipon ay may sampung bisita mula sa Taiwan, ngunit ang ulat ng record ay hindi pa sigurado. Sa ngayon, ang kabuuang may sakit ay aabot sa 24,324 sa China at 491 naman ang bilang ng mga namatay, ngunit ang report na ito ay pinaniniwalaang mas mataas pa diumano ang bilang ng apektado at nasawi. Ang ulat na ito ay ngayong Miyerkules(Feb.5).
Share:

No comments:

Post a comment

Loading...

Blog Archive